Chapter Thirty One

31.6K 765 57
                                    

The buildings. The Field and the park. It's all look the same. "How did you know this school? I mean.. Paano mo nalaman na dito ako nag aral noon?"

May konting patak pa ng ambon dala ng nagdaang bagyo. Dalawang araw silang hindi nakalabas ng bahay dahil sa bagyo. At dalawang araw na rin silang mag ina na nanatili sa bahay ni Jorge sa Fidel.

Inakay siya ng binata patungo sa center field. "Nakikita mo ang stadium na 'yun?" Sabay turo ni Jorge doon.

Tumingin siya sa Stadium. Overlooking iyon sa field. Naalala niya kapag may malaking event noon dito sa Saint Augustine College ay may malaking monitor doon para makita ang nagaganap sa flat form. "2007 nang koronahang Ms. Intrams yung representative ng freshmen para sa volleyball team. I am the captain ball for Senior Basketball team sa Architecture. Nagtatawanan pa kami ng mga kaibigan ko kung sino ang pinakamaganda. Si Ms. Freshman ba o ang Sophomore Electrical Engineering Representative? Ang sabi ko pa nga, Pinakamaganda si Ms. Freshman. "

Namawis ang mga daliri niya. Pamilyar siya sa kinukwento nito. Hindi lang siya sigurado kung siya ba ang tinutukoy nito. Nakangiting nagpatuloy si jorge ng pagkukwento sa kanya. "Naalala ko pa, sa sobrang kagustuhan ko na magkakilala kami. Sinusundan ko siya kahit saan siya magpunta. Mukha na nga akong obsessed stalker niya." Na sinabayan pa nito ng tawa.

"Uy.. May secret admirer siya." Tudyo ni Patrice ng magbukas siya ng locker ay may long-stemmed Red Rose ang nasa loob niyon. May ribbon iyon at nakaipit na card.

Kinuha niya iyon at binasa. "To the most beautiful girl from afar." Ibinaba niya iyon at tinitigan ang Bulaklak. Mas maaappreciate sana niya iyon kung kilala niya kung sino ang nagpadala. Isa pa, it's not good to accept gifts and flowers from someone lalo na kung may karelasyon ka nang iba. "Saiyo nalang yan." Sabay abot kay Patrice ng bulaklak.

"H-Ha? Ba't mo binibigay sakin yan? Para sayo yan eh!" Tanggi nito.

Lumapit siya dito ng bahagya. "Alam mo naman na pagaawayan namin ni Neil yan diba? Lalo na kapag nalaman niya na may mga ganyan ganyan akong natatanggap." Sabi niya. Consistent ang natatanggap niyang bulaklak at regalo. Kahit hindi niya birthday ay nakakatanggap siya. Ilang beses na nilang pinagtalunan ni Neil iyon. Madalas ay inaakusahan siya ng nobyo na lumalandi sa iba. Pero dahil mahal niya ito. Nagtitiis siya.

Umismid si Patrice. "Ewan ko ba naman kasi sayo bakit sinagot mo ang hambog na 'yon. Alam mo naman na babaero ang taong 'yon eh!" Palatak ni Patrice sa kanya.

Bumugtong hininga nalang siya. Inagaw niya ang bulaklak dito. "Kung ayaw mo. Itatapon ko nalang." Sabay hagis niya sa kalapit na basurahan.

"Kahit madalas ay sa basurahan napupunta ang mga binibigay ko sa kanya. Still, i remained the Boy from afar." Namilog ang mga mata niya. Kaya ba pamilyar ito sa kanya? Kaya ba parang kilala niya ito?

"Bakit ba madalas kong makita dito aa building natin yang si MVP?" Narinig niyang sabi ni Patrice habang nakasandal sila sa barandilya sa ikaapat na palapag ng business administration building. Nag angat siya ng tingin mula sa librong binabasa.

"Sino bang tinutukoy mo?"  Nagtatakang tanong niya.

"Sino pa? Edi yang si Jorge Felipe. Yan lang naman ang pinakasikat na basketball player dito eh!"  Palatak nito. Nilingon niya ang sinasabi nito. Grupo ng mga basketbolistang sinasabi nito ang nakita niya. Kabilang ang pinakamatangkad sa lahat na si Jorge Felipe. Ito ang pinakatinitilian ng mga kababaihan kapag may laro ang team nito. Bukod kasi sa magaling ay ubod ng gwapo pa. "Siguro may pinopormahan dito sa building natin ang lalaking iyan." Napatingin siya sa binata.

Sa gulat niya ay nakatingin din ito sa gawi niya. Nahihiyang nagyuko siya ng ulo kahit hindi naman siya ang tinitignan nito.

"And from there, i know. Hindi na simpleng crush lang ang nararamdaman ko. That i knew i loved her kahit sa pasulyap sulyap lang." Tinambol ang dibdib niya. Kaya ba ganoon nalang kabilis ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito? Kaya pala pakiramdam niya'y pamilyar ang lahat dito.

"J-Jorge... " Nanulas sa labi niya. Nakatitig ito sa mga mata niya.

Hunarap ito sa kanya. Hinawakan ang dalawnag kamay niya. Nabitiwan niya tuloy ang payong na hawak. Banayad na pumapatak sa kanila ang ambon. "Single ka na ngayon. Wala ka nang boyfriend di gaya noon. Wala nang lalaking babakod sayo kapag nakita niyang nasa malapit lang ako.May itatanong sana ako."

Napalunok siya. Noon pinipigil niya ang humanga dito dahil ayaw niyang bigyan ng dahilan si Neil para mag away sila o kaya naman ay magtalo sila. Hindi iisang beses siyang tumili noon kapag nakakashoot ito ng three points kada manunuod siya. Mabuti nalang at di naghihinala si Neil dahil nasa basketball team din ito.

Naalala niya, hinihila pa siya si Patrice sa isang sulok na tago sa maraming tao para lihim na panuorin ang binata. "P-Pwede na ba kitang ligawan ngayon?"Tila nagbara ang lalamunan niya dahil sa tanong nito.

Nanginginig din ang tuhod niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag may lalaking aamin sayo na stalker mo siya noon. At aamin na gusto ka niya noon pa. Ganito pala ang pakiramdam. Nakakapanlambot ng tuhod.





To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeDär berättelser lever. Upptäck nu