Chapter Seven

34.7K 763 54
                                    

Nang maramdaman niyang malapit nang magising ang lalaki. Huminga siya ng malalalim at Saka pinigil ang paghinga. It's an old trick na napapanood niyang madalas sa telebisyon. At ngayon ay umaaasa siyang magagamit niya para makatakas. Dalawang minuto lang ang kaya niya. Kaya mabuti't sa loob ng dalawang minuto ay nagawa nitong kalasin ang posas niya at tarantang inilabas siya ng silid. "Wake up baby!"

Pigil hininga parin siya hanggang sa naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan. Nakadagdag sa pagpapanggap niya ang takot niya dahil kusang nanlamig ang balat niya. Lalo pa't ngayon lang din siya nalapatan ng hanging-labas.

Inipon niya ang lahat ng lakas saka niya kinagat ang braso nitong humhaplos sa kanya. Hindi pa gaanong maliwanag ang paligid. Pero naaninag na niya ang papasikat na araw. Kung nasaan man siya ay hindi niya alam.

Mabilis siya nitong nabitiwan. "Aaahh!" Humihiyaw sa sakit na tumingin ito sa kanya. Kaya bago pa man ito makalapit sa kanya ay nadampot na siya ng may kalakihang bato saka niya ipinukol sa ulo nito. Sinamantala niya ang pagkakatumba nito at saka siya tumakbo papalayo. Pinasok niya ang maliblib na gubat. Gumuguhit sa hubad niyang katawan ang siit at tuyong mga sanga. Kasama na ang matatalas na damo. Pero wala siyang pakialam. Mas mahalagang makalayo siya kaysa ang damitan pa ang sarili niya. Kumot lang ang ibinilot sa kayawan niya kanina. Pero dahil sa panlalaban niya'y humulagpos iyon.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagod ng tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig niya. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo sa takot na baka abutan siya. Pero hindi niya napansing bangin na pala ang tinutumbok niya. Dumulas ang mga paa niya doon at nagpatuloy siya sa pagkahulog.

Tatlong babaeng naglalaba daw sa ilog ang nakakuha sa kanya. Inabot siya ng mahigit isang linggo sa mga ito dahil sa sugat at bali ng katawan na natamo niya.

Araw araw ay iniiyak niya ang nangyari sa kanya. Araw araw hiniling niya na sana ay tuluyan nalang siyang namatay. Lalo pa ng malaman niyang buntis siya. "Ayoko nito.. Ayoko nito. " Sinusuntok niya ang sariling tiyan habang umiiyak. Ang dalhin ang anak ng taong lumapastangan s akanya ang kahulihulihang nasa isip niya.

Tinulungan siya ng kapitana ng baryo na tumawag sa pamilya niya. Pero iginiit niya na wag tawagan ang kanyang ina. Dahil nasisiguro niyang hindi siya niyon hinahanap. Pagkatapos niya kasing gumaling. Dito na siya sa barrio Paso ang naging tirahan niya.

Si Auntie Precy ang sinabi niyang tawagan ng mga ito. Na agad ding nakausap at sinundo siya. Binuhay at tinulungan siya. Pero may mga sugat na naghilom man ay nananatiling nakamarka.

Walang gabi na hindi niya napapanaginipan ang lahat. Na parang kahapon lang at patuloy paring nagaganap. Kung paanong para siyang baboy na unti unting kinakatay. Sinisipsip ang dugo at inuubos ang kanyang lakas.

Palahaw mula sa labas ng silid niya ang siyang nagpagising mula sa bangungot niya. Naiiritang tumayo siya ng kama at saka lumabas. Nakita niyang namimilipit si Onie sa upuan. "Mommy... "

Hilam ng luha ang mga mata nito. "My tummy hurts so bad." Nakatingin lang siya dito. Bumaling ang mga mata niya sa dinning table. May cereal bowl doon at gatas na nasa carton box. Bumaling siya sa orasan. Past eleven na. "Bakit ngayon ka lang kumakain? Sasakit talaga ang tiyan mo dahil late ka nang nag breakfast." Malamig na sermon niya.

Pumiyok ito. "H-Hinihintay po kasi kita. " Onie know how to speak English, French and Tagalog.

Inikutan lang niya ito ng mga mata. "Nasa akin ba ang kakainin mo? Hindi mo ba kayang kumain mag isa? Malaki kana Onie. Dapat alam mo na kung paano mabuhay mag isa." Nilampasan niya ito.

Naghanap siya ng pain reliever para sa edad nito. Ng makakita ay ipinatong niya iyon sa lamesa. "Inumin mo 'yan. Wag kanang maingay dahil matutulog pa ako." Sabi niya saka nilampasan ito.

Hindi niya gustong makita ang lumuluha nitong mga mata. "B-But.. Mommy i have a class today." Umiiyak pa ring sabi nito.

Naiinis na muli siyang humarap. "Pwede ba onie! Kahit ngayon lang.. Patahimikin mo ang tenga ko sa kakaiyak mo. If you want to go to school, then go! Leave me alone!"





To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now