Chapter Thirty Five

33.7K 771 56
                                    

"Gusto ko muna sanang makausap si Mama bago tayo bumalik ng Manila." Ani niya kay Jorge habang papasok sila ng sasakyan nito. Pabalik na silang tatlo ngayong araw.

Jorge shrugged his shoulder. Kanina pa ito tahimik. "May problema ba?" Puna niya. Pinagbuksan lang siya nito ng pinto.

"Wala naman. May iniisip lang ako." Sagot nito. Sumakay siya sa unahan. Si Onie naman ay kinabitan nito ng seatbelt sa backseat.

"Daddy Jorge uuwi na po ba tayo?" Napalingon siya ng magtanong si Onie.

Tumango si Jorge. "Oo Onie. Doon ko muna kayo ihahatid ni mommy mo sa bahay ko ha."

Napatingin siya kay Jorge. "Bahay mo? Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Ang usapan nila ay sa condo sila nito ihahatid.

Sumakay sa driver seat si Jorge bago humarap sa kanya. "Iyon ang gusto kong sabihin sayo. Mas safe kayo ni Onie sa bahay. Walang basta makakapasok doon."

Hanggang ngayon ay nag aalala pa rin ito sa kanilang mag ina. Oo at natatakot siya. Pero paano niya ipapaliwanag ito sa Tita niya? Siguradong magtataka iyon. At kung sasabihin naman niya sa tita niya ang mga nangyayari. Nasisiguro niyang pahihintuin siya nito sa ginagawa niya. At pipilitin silang bumalik ng Manitoba.

"P-Pero... "

Hinaplos ni Jorge ang pisngi niya. "Wala nang pero pero. Mas mapapanatag ako kung nakikita ko kayong dalawa. Nag aalala lang ako sa pwedeng mangyari." He sighed.

Hindi na siya umapela pa. Kagaya nito. Mas mapapanatag din siya kung kasama nilang mag ina ito. Hindi niya alam pero pakiramadam niya'y nakadepende na dito ang buhay nilang dalawa ni Onie.

Malapit na sila sa San Agustin ng tanungin muli siya ni Jorge. "Sigurado ka bang gusto mong tumuloy sa mama mo? Ayaw mo bang tawagan nalang siya at makipagkita ka sa kanya?"

Umiling siya. "Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi sumasagot. Nag aalala na rin ako sa kanya. Hindi pa ulit kami nakakapagusap eh." Puno ng pag aalala ang isip niya. Iniisip niya ang inang malayo sa kanya.

"Kung ganoon sasamahan na kita. Sasama na kami ni Onie sayo." Sabi ng binata bago lumiko papasok ng San Agustin.

"Wag na. Magkita nalang tayo sa plaza. Ipasyal mo na muna si Onie. Tapos itetext kita kapag naroroon na ako." Nadaanan nila ang Lechon-an sa gawing kanluran. "Ibaba mo nalang ako d'yan. Diyan nalang ako sasakay ng tricycle papunta doon."

Huminto sa isang tabi ang sasakyan. "Are you sure? Ihahatid nalang kita doon."

Pinigilan niya ito sa braso. Bahagya niyang hinaplos iyon. Nahihiya na siya dito. Masyado nang malaki ang naiitulong nito sa kanilang mag ina. "Wag na. Magbonding nalang kayo ni Onie. I'm sure mas magugustuhan niya iyon." Napatitig lang ito sa kanya. "Saka may gusto akong sabihin sayo mamayang gabi." Na sinabayan niya ng mabining ngiti.

Humaplos ang isa nitong palad sa pisngi niya. "I can't wait na gumabi na. Para marinig ko na ang sasabihin mo." Pilyong ngumiti ito sa kanya.

"Later.. Hintayin mo." Ani niya. Lumingon siya kay Onie na abala sa paglalaro ng kanyang iPod. "Baby.. Mommy will go somewhere muna ha. Dito ka muna kay Daddy Jorge."

Tumango ito habang nakatingin pa rin sa gadget. "Okay mommy. I love you."

Ngumiti siya. "I love you too." Hinaplos niya sa buhok ang bata. Sa gilid naman niya ay dama niya ang hininga ni Jorge sa gilid ng tenga niya. "I love you... "

Nanindig ang balahibo niya sa ibinulong nito. Pigil pigil niya ang wag mapangiti. Makakapaghintay abg sagot niya. At mamayang gabi iyon. Gusto niyang masorpresa niya ito. Sabihin man ng ibang tao na bakit sobrang bilis ay wala siyang pakialam. Basta iyon ang nararamdaman niya. "I wish i can kiss you now." Pabulong na sabi ni Jorge. Ngumiti siya dito.

"Ipunin mo na muna yan Mr. Felipe. At kapag pwede na saka mo ibuhos lahat." Panunukso niya

Ngumuso naman ito. Pero agad ding ngumiti ng pilyo sa kanya. "Sabi mo 'yan ha! Lagot ka sakin kapag sinagot mo na ako. Sa hininga ko lang dedepende ang hininga mo." Nahampas niya ito sa dibdib. Mabuti nalang at hindi naririnig ni Onie ang mga sinasabi nito.

"D'yan ka na nga. Mag ingat kayo ni Onie. Alagaan mo ang ko." Sabi niya at lumabas ng nag sasakyan.

Tumango at sumaludo pa ito sa kanya. "Pangako, aalagaan ko ang anak natin. "

Tinawanan nalang niya ang huling sinabi nito.



To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now