Chapter Fifteen

35.6K 793 57
                                    

"Thank you Mr. Felipe. For accompanying us."

Pagpapasalamat niya kay Mr. Felipe matapos nitong maibaba sa gitnang kama si Onie. Nakatulog na ang bata sa pagod. Maghapon silang magkakasama para mamasyal.

"You're welcome. Wag na Mr. Felipe. Feeling ko ang tanda ko na masyado. You can call me, Jorge." Ani ng binata sa kanya. Nagkibit balikat nalang siya.

"Ikaw ang bahala. Mr. Jorge." Na tinawanan naman nito kapagkuwan.

"And now your calling me Mr. Jorge. Ilan taon na ba ako sa paningin mo?" Biro nito.

Kanina pa siya natatawa sa biro nito. Oo at naiinis siya dito but she can't help to laugh everytime he joked. "Buti pa umuwi kana Mr. Jorge." Pagtataboy niya dito. Habang tumatagal ay mas lalo siyang natatakot sa presensya nito.

Wala miski sinumang lalaki ang hinayaan niyang makapasok sa buhay niya. At lalong wala siyang pahihintulutang lalaki ang makapasok sa buhay nilang mag ina.

Sa ngayon, ay hahayaan muna niya na umasa siya satulong nito. She want justice. It's long overdue. "About the lawyer. When do you want to meet my friend? Nakausap ko na siya kanina. And he said yes."

Bumaling muli siya dito. "Tatapusin lang namin ni Onie ang School days niya dito at saka kami pupunta ng pilipinas."

"Great! Sumabay na kayo sakin. Para hindi na rin kayo mahirapan." Boluntaryo ng binata. Tumango nalang siya. Makakatanggi pa ba siya kung may tulong na ito na naumpisahang ibigay sa kanya? "Para maihatid ko na kayo sa pamilya niyo."

Kumunot ang noo niya. Matagal na siyang walang pamilyang babalikan sa pilipinas. Matagal na siyang kinalimutan ng sarili niyang ina. Matagal na nitong binura sa sarili nitong alaala na may anak pa itong naghihintay na hanapin niya. "W-Wala na kaming pamilya doon. Si A-Auntie nalang ang natitira."

Marahang tumango si Mr. Jorge. "I'm sorry."

Marahan niyang isinara ang pinto ng silid. Natutulog na si Onie. Sumunod si Mr. Jorge sa paglalakad niya. Nasa bungad na sila ng pinto sa harap ng apartment ng magtanong na naman ito. "Curious lang ako, why do you need a criminal lawyer?"

Napalunok siya. Handa na ba siyang ibunyag dito ang lihim niya? Kapag ba narinig nito ang sekretong iyon ay magbabago ba ang pagtingin nito sa kanya bilang isang babae at bilang isang ina? Hindi pa siya handa. "It's none of your business Mr. Jorge. Ang kaibigang-abogado mo nalang ang kakausapin ko." Aniya saka binuksan ang pintuan.

Nakakaunawang tumango ito. "I will pray na sana ay makamit mo ang hustisyang ipinagalaban mo." Sabi nito bago tumalikod sa kanya. Isinara niya ang pintuan at saka sumandal doon.

Anong mangyayari kay Onie kapag nalaman nito ang totoo? Kapag nalaman nito na ang ama nito ang gusto niyang ipakulong? Masasaktan ang anak niya. Pero paano siya? Matagal na panahon niyang dinala iyon sa isip at puso niya.

Na minsan ay naging dahilan pa para kitlin niya ang sarili niyang buhay. Kaya paano hindi niya iisipin ang hustisyang matagal na niyang hinihintay?

Dahan dahan siyang bumalik sa silid nilang mag ina. Tumalungko siya at tinitigan ang batang payapang natutulog doon. Anak niya ang batang ito. Bunga ito ng maling nakaraan niya. Pero importante pa nga ba talaga ang nakaraan?

O sadyang ginugusto lang niyang mabuhay sa nakaraan? Napapaluhang napaupo siya sa gilid ng kama. Kinuyom niya ang mga kamao. Mas magiging kompleto lang muli siya kapag nakita na niyang nabubulok sa bilangguan ang lalaking dahilan ng paghihirap niya. Mas magiging makabuluhan lang ang pagiging ina niya kay Onie kapag nakita na niyang naghihirap ang ama nito sa loob ng piitan.

Hindi na niya ipagdarasal na matuklasan ni Onie ang lihim sa pagkatao nito. Mapapakulong niya ang ama nito na hindi nito nalalaman ang lahat. Dahil kapag nasaktan ang anak niya. Triple ang mararamdaman niyang sakit. Hindi si Onie ang magiging dahilan ng paghina niya laban sa hustisyang ipinaglalaban niya. Bagkus, kay Onie siya huhugot ng lakas para makalaban siya.

Marahan niyang hinaplos ang abuhin nitong buhok. She just wondering why he has a gray hair. Kamukha ng buhok ni Mr. Jorge. Nakakatawa na sa tuwing magkakatabi sila ay iisang kulay ng buhok ang mayroon sila. Coincidence lang ba na may mga taong maraming pagkakapareho kahit hindi magkaano ano?




To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now