Chapter Twenty Nine

31.8K 740 71
                                    

"Salamat nga pala kanina." She said while Jorge still driving at tulog naman sa kandungan siya si Onie. It's still raining. Based on the afternoon forecast. May low-pressure daw na papasok. At kasama ang San Agustin sa posibleng daanan ng bagyo.

"Don't mind it. I'm happy to help." Sagot ni Jorge sa kanya. "Kamusta ang pag uusap niyo ng mama mo. Did you convince her na sumama nalang sa inyo?"

Umiling siya. Matigas ang paninindigan ng kanyang ina na hindi nito iiwan ang kanyang tito martin. Hindi daw nito tatalikuran ang obligasyon nito bilang asawa. "I did convinced her. Pero buo na talaga ang loob niya." Malungkot niyang saad.

"It's okay. Dalaw dalawin mo nalang ang mama mo. O kaya naman ay siya nalang ang padalawin mo sa inyo." Payo ng binata sa kanya.

Hinaplos niya ang buhok ni Onie ng bahagya itong gumalaw na tila magigising. "Para kasing may mali e. Parang may hindi tama."

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Jorge. "What do you mean? Anong mali?"

"Mama, sumama ka nalang samin ni Onie pabalik ng Winnipeg. Kasama namin doon si Auntie Precy. May makakasama ka." Paghihikayat niya sa ina.

Umiling ito. "Kayo ang umalis na dito. Hindi ka naman dapat bumalik pa dito."

Kumunot ang noo niya. "B-But why?"

Nagiwas ito ng tingin. "Basta. Sundin mo nalang ang sinasabi ko." Mariing sabi nito. Nagsalubong ang kilay niya.

"No! Hindi ako aalis dito hangga't walang hustisya na nagaganap." Sagot naman niya. Hinawakan niya ito sa braso ngunit pumiksi naman. Nasaktan yata ito. "I'm sorry mama.. "

Sinipat niya ang brasong iniiwas nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang puro pasa iyon. Kaya pala long sleeve ang suot nito. "A-Anong nangyari d'yan?"

Naglumikot ang mga mata nito. "W-Wala ito. Nadapa lang ako noong isang araw."

"Do you think, sinasaktan ng stepfather mo ang mama mo?" Tanong ni Jorge matapos niyang ikwento ang huling paguusap nilang mag ina.

Nalilitong tumango siya. "I don't know. Ang gulo gulo. Una ang paguutos ni Mama na umalis nalang kami ni Onie dito. Ang nakakapagtaka ay kung bakit. Pangalawa, yung mga pasa niya." Napahilamos siya sa mukha gamit ang isang palad.

Naramdaman niyang huminto ang sasakyan. Palakas na rin ng palakas ang ulan. "Stay here. Aalamin ko lang kung bakit hindi nagpapasok sa tollway." Ani ni Jorge bago lumabas ng sasakyan.

Sinundan lang niya ng tingin ang binata. Wala iyong payong kaya nag aalala siya. Maya maya'y patakbonh bumalik ito. "A-Anong nangyari?"

Malapit nang gumabi kaya nag aalala na siya na baka nagaalala na ang tita niya. Hindi pa naman siya nakapag paalam na uuwi sila ng San Agustin. "We can't travel back to Manila. Bumigay na ang tulay sa loob ng toll. Suspended pansamantala ang biyahe papunta doon. Not until makahanap sila ng alternative route."

Inabutan niya ito ng tissue. Kinusa na rin niyang punasan ang braso nito na nabasa ng ulan. "Baka magkasakit ka pa niyan. Paano tayo? Saan muna tayo tutuloy?" Pagtatanong niya. Nakakaawa naman si Onie kung hahayaan niyang matulog ito sa sasakyan na hindi naman komportable.

"May bahay ako sa Fidel. Pwede muna tayo doon. Nasa balita kasi na mas lalakas pa ang ulan within twenty four hours." Tumango siya. Hindi na sakop ng San Agustin ang Fidel. Kabilang bayan na iyon.

Bumiyahe sila patungo doon. "Bakit ka may bahay sa Fidel? Diba taga San Agustin ka rin?" Tanong niya.

Pamilyar siya sa bayan ng Fidel dahil doon siya natagpuan ng mga babaing nakadampot sa kanya sa ilog. Walang malay at walang saplot. Hindi nga lang niya matandaan kung sakop pa ng Fidel ang lugar kung saan siya pinagsamantalahan. "A-Ah.. Ano kasi.. M-May binentang lupa sakin ang kaibigan ko. S-So naisip ko tayuan ko nalang ng bahay."



To be continued...




------

Para sa mga naiinip na. Malapit na po. Malapit na po sa wakas.

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα