Chapter Thirteen

35.2K 901 57
                                    

"M-Mommy.. "

Mabilis siyang bumaling kay Onie na nakamulat na pala. Jesus Christ!

"Onie!" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya. Nagtanong siya ng nararamdaman nito. At sa bawat katagang iyin ay mas lalong sinisisi niya ang sarili niya. Dahil wala siyang kwentang ina.

Umangat ang isang palad nito. His tiny little hand caressed her cheek. "O-Okay na po ako mommy.. Nandito ka na e." Lumunok siya. Pinigilan niyang wag bumugso ang iyak niya. What was she done para magkaroon ng anak na ganito?

Namukal ang luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry anak... "Hindi na niya napigilan ang umiyak. Kailangan pa pala niyang matakot para malaman niyang mahalaga ang anak niya s akanya. Na isa pala talaga siyang ina.

"Why you saying sorry mommy? Diba nga po may kasalanan ako sa inyo? Palagi niyo pong sinasabi noon na wag akong takbo ng takbo kasi kapag nadapa ako walang gagamot ng sugat ko. Sinuway ko po kayo.. Tumakbo po ako kasi akala ko nakita ko po kayo." Naiiyak na sabi nito.

Palagi kasi niya itong pinagagalitan noon. Lalo na kapag nadadapa ito. Hindi lang niya akalain na lahat ng maling pangaral niya dito ay tama para sa paningin nito. Na para bang wala siyang maling ginawa sa paningin nito. Na tila ba lahat ng maling ginawa niya ay tama. Niyakap niya ito at sa pagkakataong iyon. Totoong yakap iyon. Yakap ng isang ina na takot mawalan ng isang anak. Yakap na matagal niyang ipinagdamot dito. "Mommy promise you na hinding hindi na siya mawawala sa tabi mo. Na simula sa araw na ito ay aalagaan ka na niya." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito.

Bakit nga ba niya iisipin ng iisipin ang mga maling nangyari sa buhay niya kung mayroon naman napakagandang bagay ang ibinigay ng pangit na nakaraan sa kanya? Hindi nga ba't mas maswerte pa siya kompara sa iba? Bakit nga ba ngayon lang niya natutunan ang bagay na iyon. Hindi pa huli ang lahat.

Gumanti ng yakap sa kanya ang bata. "Je t'aime maman." I love you Mommy.

"Mahal din kita anak.. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo." Bulong niya sa pagitan ng mga yakap niya dito.

Sinapo nito ang mukha niya gamit ang maliliit niyang palad. Bakas ang saya doon. "Palagi niyo naman po akong mahal hindi ba? Kasi sabi po ni Lola kaya niyo daw po ako pinapagalitan ay dahil mahal niyo ako. At saka sabi po ni Teacher kapag daw po di na pinapagalitan ng mga mommy ang mga anak nila ibig sabihin wala na silang pakialam. Kaya alam ko pong love niyo ako." Naluha siya. Bakit sa kabila ng pagkakamali niya dito ay lumaki parin itong ganito?

Her Auntie Precy raised her child well. Napalaki nito si Onie sa paraang di niya inaaasahan. Akala niya, dahil sa mga pagkakamali niya'y lalaking may tanim na galit at sama ng loob ito sa kanya. Pero tila kabaliktaran lahat. Marunong parin maaawa ang Diyos sa kanya. Dahil biniyayaan pa rin siya ng isang Onie na magsisilbing liwanag niya.

"Hello Mr. Jorge." Doon niya naalalang nasa likuran pala niya si Mr. Felipe. Dumukwang ito at humaplos ang palad sa pisngi ni Onie.

"Hi Little Man.. You scared me and your mom. Don't ever do that again. Okay?" Sumaludo pa ang anak niya. Kailan lang yata sila nagkakilala pero tila magkasundong magkasundo na.

"Mr. Jorge... Hindi niyo na po ba ako isusumbong sa social welfare office?" Kumunot ang noo niya. Anong isusumbong? Nakipag away na naman ba si Onie?

Nakita niya ang pagngiti nito sa bata. "Of course not. Basta ba hindi kana iiyak ulit. At hindi kana babalik dito sa ospital."

Nakipaghigh-five ito sa anak niya na labis na niyang ipinagtataka.

I can't sleep because your child was crying all night. Baka may makarinig sa kanya na mga social worker ay mag sisi ka.

Iyon ba ang tinutukoy nito? Tinangka ba nitong isumbong siya para mawalan siya ng anak? Naningkit ang mga mata niya. Kahit may utang na loob siya dito ay hindi siya makapapayag na makisawsaw ito sa buhay nila.

Nakaramdam siya ng inis para dito. Pero mabilis na nawala iyon ng makita niya kung paano ito ngumiti. His smile makes her head swell in over thinking. Pati pagngiti nito ay pamilyar sa kanya. Why i have this feeling that i already saw you before?




To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon