Chapter Twenty Eight

31.7K 732 65
                                    

Sa isang lumang kainan ng lechon at palabok sa bayan sila dinala ng kanyang ina. Bumalik ito kanina bitbit lamang ang wallet nito. Sumakay ito sa sasakyan nila kanina. Nagtataka pa nga siya ng sabihin nito sa gwardiyang Pupunta lang kami sa kumare ko. Namatayan siya. Nagtataka siya kung bakit kailangang pang magpaalam ng kanyang ina sa gwardiya.

Sa sulok ng nasabing kainan sila pumuwesto. Si Onie ay katabi niya. Kumakain ito ng pancit palabok. Giliw na giliw ang kanyang ina sa kanyang anak. "Dito tayo madalas kumain noon kasama ang papa mo." Nakangiting sabi ng kanyang ina. Naalala niya nga iyon. Kumpare ng papa niya ang matandang may ari nitong kainan. Kapag sinabi ng papa niya na magdedate tayo dito sa pansitan ang bagsak nila. Palibhasa mababaw lang ang kaligayahan niya noon.

Tahimik lang si Jorge sa tabi niya. "Mama.. I'm sorry.. I'm sorry kung iniwan ko kayo.." Naluluhang muling sabi niya.

Tumayo si Jorge at lumapit kay Onie. "Little Man do you want to go with daddy muna? Hayaan muna nating magusap si Mommy at lola." Tumango ang bata.

Uminom muna ito ng tubig bago nagpaalam sa kanila. Nang mapagsolo silang mag ina. Ay saka mas bumuhos ang luha niya. "I... I never wanted to leave mama.. Pero.. Pero.. "

Ginapgap ng kanyang ina ang kanyang palad. "Sobra akong nasaktan ng sabihin ng Tito Martin mo na kasama ka sa sumabog na bus patungong maynila."

Bus? "Naghanda ako ng gabing iyon kasi sabi ko babawi ako dahil hindi ako nakadalo sa graduation mo. Pero hindi kana umuwi. Una kong hinanap ang nobyo mo. Pero nakakulong pala siya. Saka lang ako natauhan na totoo nga ang sinabi mong binalak ka niyang pagsamantalahan. Patawarin mo ako anak.. Kung hindi agad ako naniwala sayo." Nangilid ang luha sa mga mata niya. Hindi totoong kinalimutan siya ng kanyang ina. "Ilang linggo kitang hinanap. Para akong baliw na naglalakad sa kalye dahil nagbabaka sakali ako na baka naglayas ka lang dahil nagtatampo ka sakin. Anak mahal na mahal kita.. Sadyang hindi ko lang agad natanggap ang pagkawala ng papa mo at pati ikaw ay napabayaan ko."

"Okay na 'yon mama. Tahimik na si papa kung sana man siya naroroon ngayon. Alam kong mahal na mahal rin niya kayo." Humagulgol ito.

"Natagpuan nila ang sumabog na Bus sa barangay Malikas biyahe patungong Maynila daw iyon. At nakakita sila ng gamit mo doon. Iyong bracelet na palagi mong suot, regalo sayo ng papa mo yon. Kaya alam kong hindi mo iyon kailanaman hinubad. Nakita nila iyon sa loob ng bus. Doon ako halos mawalan ng bait. Hindi man lamang tayo nakapag usap bago sana nangyari iyon." Nangunot ang noo niya.

Suot niya ang bracelet na iyon bago siya nawala. At nang makatakas siya noon sa rapists niya ay wala na iyon sa kanya. At lalong hindi siya sumakay ng bus. "Mama.. May kailangan po kayong malaman.. "

Lumunok siya. Handa na nga ba siyang ipagtapat dito ang nangyari sa kanya? Tinanaw niya ang anak sa labas. Nakikipagtawanan ito kay Jorge. Mula sa mga nakangiting mata ni Onie. Pilit niyang inalala ang mukha ng lalaking walang awang pinagsamantalahan siya. "M-Malaki ang pangangatawan.. May.. May.. Abuhing buhok---."

"N-Nakidnap kaba?" Garalgal na tanong nito.

Naiiyak na tumango siya. "Kinulong niya ako.. P-Paulit ulit na ginamit.. P-Pinaso.. Sinugatan---ipinosas.. Animal siya mama.. Hayop siya.!" Nanlalamig ang buong katawan niya. "Nandidiri ako sa kanya."

Hinawakan ng kanyang ina ang nanginginig niyang mga kamay. "S-Sino siya? Sabihin mo anak. Sino siya?"

Umiling siya. Bigla ay parang mabilis na palabas sa pelikula na nawala sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon. Tila nagulap ang utak niya. Lumabo. Ito ang sinasabi ng psychiatrist niya sa kanya. Sariwa pa ang lahat sa kanya kaya kusang nagkakaroon ng mental memory blocking ang isip niya. Due to her mental condition, may mga scenario o pangyayari ang ayaw na niyang maalala kaya kusang nawawala. Ngunit sinabi din ng psychiatrist niya na kapag naipamilyaridad niya muli ang isip niya ay lilinaw muli iyon. Posibleng maalala niyang muli ang lahat.

Ipinikit niya ang mga mata. Mariin. "M-May.. Marka siya sa kanang braso.. Hugis parisukat.. M-May letrang T sa gitna." Her vision was blurred ang unrecognizable. Parang hinahati ang isip niya sa dalawa. Ang kasalukuyan at nakaraan.

Nang magmulat siya ng mga mata ay kita niya ang gulat sa kanyang ina. "M-Marka?"

Tumango siya. Natuptop nito ang bibig. "Diyos ko!"





To be continued...



-----

ShortFacts: Best friend ko noong first year highschool ang character ni Patrice. Crush ko ang crush niya---si Jeremy. Kaklase ko mula elementary si Jeremy. Boto sakin ang nanay ni Jeremy dahil malikot at masayahin daw ako. Hahaha.. Madalas ako sa bahay nila. (Oo as in madalas.) kulang nalang ay ligawan ko siya. Yung pinsan ni Jeremy kasi ay BFF ko rin. Nilakad ko sila sa isat isa. But in the end, di rin sila nagkatuluyan. Jeremy is happily married now. May anak na rin. Si Patrice... Career woman naman ngayon. Both of them have different lives now. E ako? Hahaha.. Certified Single pa rin. Kaya hindi ako sure kung itutuloy ko ang side story ni Patrice at Jeremy. Bukod sa tambak ang on-going ko.. Irerespeto ko nalang ang buhay nila ngayon. Respeto para sa wife ni Jeremy at sa jowa ni Patrice.

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now