Chapter Five

35.4K 730 25
                                    

"Wag ka nalang kayang makipagkita sa kanya. Kinakabahan ako sa kanyan e." Pangungulit ni Patrice sa kanya. Kaibigan at kaklase niya si Patrice sa tatlong subject niya. Pareho silang nasa Agricultural Management noon. Pero sabay silang Nagshift ng kurso at pinalitan ng Business Administration. Balak niya ay kapag nakatapos siya ng business ad ay saka niya tatapusin ang natitira niyang Taon sa agri.

Dahil sa pagkakandaletse letse ng buhay nila. Napilitan ang mama niyang ibenta ang lupa nila. Kaya ang koprahan at kapehan na dati ay kanila. Ngayo'y pag aari na ng iba. Magaaral siyang mabuti at babawiin niya ang lupang pinalago at pinagyaman ng ama niya. "Miski ako Pat kinakabahan. Paano kung totohanin ni Neil ang sinasabi niyang magpapakamatay siya?" Sinamsam niya ang mga libro at saka sumabay ito sa kanya palabas ng classroom.

Humawak si Patrice sa balikat niya. "Samahan nalang kaya kita? Dalawang araw nalang at graduation na. Baka kung ano ang gawin ni Neil sayo. Buti sana kung pakikipag usap lang ang gusto noon sayo." Alam niya ang ibig sabihin ni Patrice. Hiwalay na sila ni Neil. Nakipagbreak siya sa binata ng mahuli niya ito sa akto ng pambababae. Noong una ay idenedeny pa nito. Pero dahil sukol na niya, ay hindi na siya nagpadala sa pambobola nito.

Kumapit siya sa balikat ng kaibigan. "Hindi na. Alam ko naman na hinihintay karin sa inyo."

Huminto ito sa paglalakad saka humarap sakanya. "P-Pero.. Iba talaga ang nararamdaman ko d'yan sa Ex mo e." Giit pa nito sakanya.

Pero sa huli ay wala na rin itong nagawa. Sumakay siya ng dyip papunta sa apartment ni Neil. May bahagi niya ang nagaalala para kay Neil. May mali rin siya. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na magkausap sila matapos niyang makipaghiwalay dito.

Tatlong katok na ang ginawa niya pero walang Neil na lumalabas. Buo na sa sarili niyang kakausapin niya ito. Para tumigil na rin siya at pare-pareho na silang makapagmove-on. Dahan dahan niyang pinihit ang seradula ngunit nalaman niyang hindi pala nakalock iyon. Bumungad sa kanya ang nagkalat ng basyo ng mga bote ng beer. Mga upos ng sigarilyo at mga nagkalat na kung ano ano. Nilinga niya ang sarili. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba.

Lagabog mula sa likuran niya ang narinig niya. Saka lang niya napansin si Neil na nakatayo sa likod ng pinto at isinara iyon. "N-Neil!"

Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. "Sabi ko na nga ba't darating ka." Bahagya niya itong itinuak dahil naaamoy niya ang alak sa katawan nito. "N-Nandito ako para kausapin ka."

Ngumiti ito sa kanya. "Babe.. Mahal kita." Muli siyang umatras ng yakapin muli siya nito

"Matagal na tayong wala Neil. Nandito lang ako dahil ang sabi mo ay kakausapin mo lang ako." Nanlisik bigla ang mga mata nito dahil sa sinabi niya.

Napaigik siya ng hablutin nito ang braso niya. "Anong sabi mo?" Tila ibang Neil ang nasa harapan niya. Nasasaktan siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. "N-Neil.. N-Nasasaktan ako.." Daing niya.

Ngunit mas hinigpitan lang nito ang pagkakakapit sa kanya. "Hindi mo ako pwedeng iwan! Naiintindihan mo? Akin ka lang! AKIN LANG!"

Nanlaki ang nga mata niya ng bigla nitong punitin ang suot niyang uniporme. Nagtaksilan sa kung saan ang mga butones niyon. Halos mangisay siya sa takot. Piliy niya itong itinutulak. Hindi ganito ang Neil na nakilala niya. "Wag!" Palahaw na sigaw niya. Ngunit tila bingi ito. Na hindi nito naririnig ang lahat ng pakiusap niya.

Bago pa nito magawang punitin ang natitira niyang saplot. Ubod lakas niyang itinulak ito. Nang makabitaw ito sa kanya ay saka naman niya dinampot ang walang laman na bote ng beer at inihampas niya sa ulo nito. Dinampot niya ang sirang damit at ipinantakip niya sa katawan saka siya kumaripas ng takbo palabas ng apartment nito.





To be continued...

---------

Sa nagaalala po na baka Rated SPG ang story na ito. Hindi po. Dahil hindi ko kayang gumawa ng dark erotic stories. Medyo madrama lang po talaga ito. Kaya yung mga sensitive scene na tingin ko namn ay di mahalagang basahin pa. Binubura ko po at di ko na sinasama. Di ko na rin po idinidetail pa. Sapat na pong ganito nalang.. Salamuch po sa mga natatats sa kwento ko.. Hehehe

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now