Chapter Twenty Six

33.3K 734 47
                                    

"Ipangako mo. Ipangako mong hindi malalaman ng anak ko ito." Garalgal na sabi ni Dioann sa kanya. Tumango si Jorge. Kakapitan at kaibigana ng kailangan ng dalaga ngayon.

Matapos nitong ilahad sa kanya ang buong kwento nito. Umigting ang galit sa dibdib niya. Hindi niya lubos akalain na may mga taong kayang makapanakit ng ganoon katindi para sa isang babaing gaya nito.

Dinala niya ito s akanyang dibdib at doon hinayaan na umiyak ng umiyak. "Nangangako ako. Wala nang makapapanakit sayo o maging kay onie. Tutulungan kitang pagbayarin ang taong gumawa nito sayo. Hahanapin natin siya."

Makita lang niya itong umiiyak noon sa isang tabi. Habang nakikipagtalo sa nobyo nito ay gustong gusto na niyang sugurin ang lalaki at tirisin sa mga palad niya. Kaya pala ganoon nalang ang pagmamalasakit niya dito. Sa ibang pagkakataon marahil ay kinikilig na siya. Dahil yakap niya ang babaing kahit noon pa'y pangarap na niya. Pero hindi. Hindi iyon ang nararamdaman niya. Kung di galit. Galit para sa taong nanakit at nanamantala dito.

Dumampi ang Labi niya sa tukotok ng ulo nito. "B-Bakit sobrang bait mo sakin?" Banayad na tanong nito. Namumula ang ilong nito dahil sa ginawang pag iyak.

Pinawi niya ang luhang nanunungaw sa mga mata nito. "Because i want to help you."

"Pero bakit?" Ulit nito.

Tumingala siya para pawiin ang sakit na nararamdaman niya. Nagtapat na ito ng lihim niya. Dapat na rin marahil ipaalam na niya dito ang sariling kwento niya. "Dahil kagaya ako ni Onie. My mom got raped before. At ako ang bunga niyon."

Napasinghap ito. Humagulgol na naman ito ng iyak. "I-I'm sorry... "

"Ssshhh.. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Kapalaran ko iyon. Kaya ano man ang mangyari ay tutulungan kita. We're in here together. Dalawa na tayo." Pagaalo niya dito.

Ang hustisyang hindi nakuha ng kanyang ina dahil sa maagang pagkawala nito ay kukunin niya para kay Dioann. Na kahit hindi siya lubusang tanggap ng kanyang ina ay gagawin niya ang lahat mabigyan lang ng hustisya ang nangyari sa kapwa babae nito.

Masakit para sa isang anak na talikuran ka ng iyong ina. Pero mas masakit ang malaman ang dahilan kung bakit ka niya pilit tinatalikuran at kinakatwa.

Kaya nauunawaan niya kung bakit gusto nitong ilihim kay onie ang totoong pinagmulan ng paslit. Kaya nangako siyang mananatiling lihim ano man ang nalalaman niya. Dahil walang magiging kasing sakit para sa isang paslit na gaya ni Onie ang marinig ang bagay na ikakasakit ng dibdib niya. Hindi niya gugustuhin saktan ang kalooban ng batang naging malapit na sa kanya. "Sasamahan kita sa laban mo. I know it's hard for you to trust me. Pero nandito ako para sayo."

"I trusted you." Bulong nito habang nakasubsob sa dibdib niya. "Pero may isang bagay akong gustong gawin... "

"Ano 'yon?" Tanong niya. Suminghot muna ito bago sumagot.

"Si Mama.. Gusto ko siyang makita." Hindi na siya nagulat. Nang sabihin nito noon na wala na itong pamilya ay hindi agad siya naniwala. Nararamdaman niya kasing nagsisinungaling ito s akanya.

Nang ikwento ni Ruth sa kanya kung bakit pamilyar ito saka lang niya napagtagni tagni na anak ito ni Crisostomo Victorio ang abogadong malapit sa kanyang lolo. Namatay noon sa ambush ang ama nito. Naalala niyang nakiramay pa sila noon sa burol. Pero hindi siya nito napapansin dahil naroroon ang nobyo nitong si Neil na siyang umaalalay dito.

Hanggang sa nabalitaan nalang niya na nabenta na ang koprahan na siyang regalo ng lolo niya sa ama nito. At ang huling naging balita niya'y nag asawang muli ang ina nito. Si Martin Andres. Nagtangis ang bagang niya. Lalo na ng ikwento nito sa kanya kung paano ito molesyahin noon ni Martin. Parang gusto niyang pilipitin ang leeg ng matanda at ibitin ng patiwarik.

Nang iluwas siya ng Maynila ng Ama niya'y wala na siyang naging balita sa pamilya nito. Miski nang makatapos ito ay hindi na niya nabalitaan pa. Paminsan minsan na lamang siya umuuwi ng San Agustin. Minsan ay tuwing kailangan lang ng kuya niya ang kanyang tulong.

Isa pa sa iniisip niya ay ang kuya niya. Naaalala niya noon kinausap siya nito tungkol sa annulment nila ni Patrice.

"I don't love her at all." Sabi ng kuya niya. Tatakbo itong Mayor sa unang pagkakataon.

"Kuya! Ano bang nangyayari sayo? Nag away ba kayo ni Patrice? Kung kailan naman nariyan na ang anak niyo saka naman kayo nagkakaganyan." Sermon niya. Magiisang taong gulang palang si Ciara. Ang anak ng mga ito.

"May mahal akong iba.. "

Hanggang ngayon ba ay ganoon parin ang nararamdaman ng kuya niya? Kaya ba mas pinili niyang ituloy ang annulment case nila ni Patrice at wag nang isalba pa?

Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Dioann. Mapagbigay siyang kapatid. Pero sa pagkakataong ito. Magiging maramot muna siya.





To be continued...



------

Guys, pasensya na kayo sa mga twists nitong kwentong ito. Originally, ay hindi naman po sadya ito ang genre nito. Crime and suspense po talaga ito. During my highschool days nang una kong isulat ang kwentong ito. Sa spiral notebook pa. Sa kwentong iyon, biktima ng gang rape ang aking bidang babae. Umikot ang kwento niya sa paraan ng paghihiganti niya. She killed them. Pero dahil ayokong iyon ang maging kwento ni Dioann. Kinuha ko lang anv concept nun at ginawa ito. Kaya pasensya na po kayo sa mga twist di ko lang talaga sila maaaring alisin. Dahil feeling ko magiging crime and Romance ito. Hehehe.. Promise di ko intensyong lituhin kayo..

Happy Easter Sunday..

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now