Chapter Three

36.8K 736 14
                                    

Instead of going back home. She went to the park she used to visit in. Hapon na, usually dito sa Winnipeg kapag hapon ay dinarayo ang mga ganitong lugar. She sat on the trimmed grass while her eyes are looking at the quadrangle.

May mga pamilyang naroroon. Some are kids that playing around. There are balloons and kite above her. This place was a little bigger than her dream. When she was a kid, isa lang ang pangarap niya. To live in a community, not big nor small. Iyong napapalibutan siya ng masasaganang bulaklak. Napapalibutan siya ng magagandang tanawin.

Tumutok ang mga mata niya sa isang pamilyang nakaupo sa damuhan habang nagpapalipad ng saranggola.

"Papa!"

Masaya siyang sumalubong sa ama. Patakbong yumakap siya dito. "Kamusta ang mahal kong prinsesa?"

Mahigpit siyang nakayakap sa leeg ng ama. May isang linggo itong nawala dahil isama ni Gobernador Cortez patungong maynila. Ang ama niya ang legal counsel at adviser ng Gobernador. Dating nagtatrabaho sa maliit na Law firm ang kanyang ama sa kabisera. Ngunit ng madawit sa isang criminal case ang anak ng Gobernador na noo'y hindi pa naluluklok ay ang ama niya ang nakaabsuwelto doon. "Namiss po kita papa. Bakit po ang tagal tagal niyo?" Agad na tanong niya. Kinarga siya nito papasok sa loob ng bahay at sinalubong Sila ng Maybahay nito. Ang kaniyang ina.

"Dioann, ang laki-laki mo na nagpapakarga ka pa sa papa mo." Saway ng kanyang ina. Lumapit ito sa kanila at yumakap sa papa niya. Dose anyos na siya pero baby pa rin siya ng papa niya.

"Mahal, hayaan mo na ang anak natin. Malambing lang siya sadya." Umakbay ang ama niya sa kanyang ina at saka sila naglakad papasok ng bahay.

Masaya ang buhay nila. May kompleto siyang pamilya at saganang buhay. Hindi man sila mayaman pero nabibili nila ang mga bagay na gusto at kailangan nila. At dahil iyon sa masipag na paghahanap buhay ng kanyang ama. "May balita ako sa inyo." Masayang sabi ng kanyang ama ng umuwi ito isang hapon. "Inalok ako ni Gob ng lupa malapit sa hacienda. Tamang-tamang pataniman natin ng kape at tuba. Lalo pa't mahilig si Dioann sa panananim." Pangarap niyang maging agriculturists paglaki niya.

"Talaga po papa? Lilipat na tayo?" Natutuwang tanong niya. Tumango ito.

"Oo anak, ipapatayo na natin doon ang pangarap niyong bahay ng iyong ina. Tapos mag aalalaga tayo ng mga hayop na gusto mo."

It's easy for a kid like her to draw a painting that she wanted to drew. Lahat ng likhain ng isip niya ay nagkatotoo. Sa loob ng mahigit isang taon ay naitayo ang bahay nila sa loob ng tatlumpong ektaryang lupain na matiyagang binayaran ng kanyang ama sa butihing gobernador. Pero ang lahat ng masayang araw ay tila inagos ng malakas na daloy ng tubig mula sa talon. Pangalawang taon niya sa High school ng mamatay ang kanyang ama. Sakay ito sa sasakyan ng gobernador ng madamay ito sa ambush. Pitong bala ng baril ang tumama sa ama niya. Labis ang sakit na naramdaman niya. Ang lalaking unang ehemplo ng pagiging magiting para sa kanya ay naglaho na.

Saka lang niya natutunang nagbabago na ang lahat. "Mag aasawa na ako." Malamig na sabi ng kanyang ina. Dalawang taon matapos mamatay ng kanyang ama.

Hindi makapaniwalang tumingin siya dito. "A-Asawa? Papalitan niyo na si papa?" Nangingiyak na sabi niya.

"Nauubos na ang kabuhayan natin. Hindi na sapat ang kinikita ng koprahan at kapihan. Ano ang gagastusin ko sa pag aaral mo? Nauubos na lahat." Tama ang kayang ina. Simula ng mamatay ang ama niya ay unti unti silang napipilayan. Muntik pa nga siyang mapahinto s apag aaral kung hindi pa tumulong ang Gobernador para sa pag aaral niya.

Nakailang pakiusap siya sa kanyang ina na wag na muling mag asawa pero wala siyang nagawa. Nagpakasal ito kay Martin Andres ang kanang kamay ng Gobernador na sinasabing kaibigan daw ng kanyang ama. Maayos naman ang nagingi pakikitungo nito s akanya. Hanggang sa...

"Umalis kayo dito!" Iniumang niya ang kutsilyong ginamit niya kanina sa paghihiwa ng tinapay. Nadala niya iyon sa loob ng silid niya dahil marami siyang takdang aralin.

"Ibaba mo yan Dioann. Tingin mo ba paniniwalaan ka ng ina mo kung malalaman niya ito. At saka ano ba ang isang haplos lang? Hindi ba't ginagawa niyo din naman ito ng nobyo mo?" Halos manindig ang mga balahibo niya sa mga pinagsasabi nito. Nakakadiri.

Pero hindi natapos doon ang lahat. Maraming oagkakataon na nahuhuli niya itong sinisilipan siya sa kahit na anong paraan. Tanging kay Neil lang siya kumakapit. Ang Boyfriend niya. Pero ang lalaki pala ay sadyang mga mapaglaro. Maraming beses na siyang niloko nito pero patuloy niyang pinagbibigyan. Marahil ay ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao.







To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now