Chapter Thirty Three

31.1K 736 47
                                    

"Stay here. I will asked the information kung nakita ba nilang lumabas si Onie." Sabi ni Jorge. Pero hindi siya nanatili doon.

"Ayoko. Hahanapin ko ang anak ko." Giit niya. Kilala niya si Onie. Hindi iyon basta aalis sa isang lugar hangga't hindi niya sinasabi.

Wala nang nagawa si Jorge kung di isama siya. Lumapit sila sa Information desk at nagtanong doon. Pero negative ang sagot ng mga ito. They haven't seen her Son. For Christ sake!

Napapaiyak na siya. Paano na kung nakidnap na ang anak niya? Paano kung kidnapped for ransom pala iyon? Wala siyang gaano kalaking pera para doon. Niyakap siya ni Jorge. "Ssshh.. Nariyan lang si Onie. Magpatawag na ako ng staff para maglibot sa buong hotel at resort. Baka bumalik lang iyon sa dalampasigan." Pagpapakalma ni Jorge sa kanya.

"Paanong hindi ako mag aaalala? Anak ko 'yong nawawala." Aniya.

"I know.. Kaya nga hahanapin natin siya. You have to calm down." Ani muli nito. Nagpalinga linga siya sa paligid. Umaaasa siyang naroroin lang si Onie. Baka may nkilala itobg kalaro at nakikipaglaro lang. But she knew her son. Hindi ito ganoon. Nagpapaalam ito kapag aalis.

Kakaiba rin ang kaba sa dibdib niya. Parang may hindi tama. O paranoid lang siya dahil anak niya ang nawawala.

May labing anim na minuto na silang nagpapaikot ikot sa buong lobby ng hotel. There's a staff and crew ng resort ang umikot sa dalampasigan para alamin kung naroroon ba ang anak niya. She was helplessly crying in Jorge arms when one of the security guard enter the lobby. May hawak itong bata sa isang kamay. Agad siyang napabitiw kay Jorge at patakbong lumapit sa anak na may hawak na iPod. "Mom.. I can't breathe... " Ungol ng bata. Niyakap niya ito ng mahigpit.

Hinawakan niya ito ng dalawang kamay sa mukha. "Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap. We are all panicking because we haven't seen you around." Naiiyak na sabi niya sa bata.

Tumingala ito. "Dad? What happened?" Inosenteng tanong nito kay Jorge. Lumuhod si Jorge sa tabi niya kapantay ni Onie.

Ginulo nito ang buhok ni Onie. "Your mom and i are looking for you. Nawala ka nalang bigla sa lamesa natin. Kaya nataranta na ang mommy mo." Saka lang tumango ang bata na parang naunawaan na nito. "Ano yang hawak mo?" Puna ni Jorge.

Noon siya yumuko sa kamay ni Onie. May hawak itong brown envelope. The kid shoved it to them. "I saw it fell on the floor when the man in the restaurant left. Hinabol ko po siya kasi naiwan niya po yata ito. Nakalimutan ko na po magpaalam s ainyo ni mommy kasi nagmamadali po yung lalaki." Napakunot noo siya. Minsan niyang naituro kay Onie na mahalagang magsauli ng mga bagay na hindi niya pag aari.

Kinuha ni Jorge ang envelop at binuksan. Nakiusyoso din siya. Kinarga niya si Onie. When Jorge finally see what it have inside. Narinig niya ang pagmumura nito. "B-Bakit?"

Ipinakita nito sa kanya ang laman ng envelope. It's all 3R Photograph copies nilang mag ina. May kusa sa labas ng bahay ni Jorge sa Fidel. May kusa sa park na pinuntahan nila noong nakaraang araw. And what makes her feel scared ay ang latest picture kung saan nakaupo siya sa recliner chair kanina sa dalampasigan. Nakatanaw siya kay Onie at Jorge. "Jesus!" Nabulaslas niya.

Sino ang posibleng gagawa nito? May nagpapaimbestiga ba sa kanya? "Mommy why we have a lot of pictures there?" Inosenteng tanong ni Onie.

"It's nothing anak.. Wag mo nang itanong." Kinakabahang tumingin siya kay Jorge na gaya niya'y bakas ang gulat sa mukha.

"We are not safe here." He said. Nagpalinga linga ito s apaligid.

"W-What do you mean?" Naguguluhang tanong niya.

"Someone might have knew were we are. At pinapasundan ka niya. I think its about your unclosed case." Napalunok siya. Ninenerbiyos na siya. Dapat na ba silang bumalik sa Manitoba?

"Is these a kind of threats?" Tukoy niya sa mga litrato. Nagkibit balikat si Jorge.

"I don't know. Ang mahalaga ay mailayo ko kayong mag ina dito. I don't feel any safety here. Pakiramdam ko may masamang mangyayari." Seryosong pahayag ni Jorge. Umakbay ito sa kanya saka dumampi sa noo niya ang labi nito.

"Natatakot ako.. Paano kung alam na ng.. Ng taong hinahanap ko ang ginagawa ko? Paano kami ng anak ko?" Garalgal na tinig niya.

"I'm here. Poprotektahan ko kayo." Bagay na hindi ko nagawa kay mama.





To be continued...





-------

I will post the teaser for the next series kapag dalawnag chapter nalang bago matapos ito.

Up next...

GENTLEMAN series 11: Josue Tolentino

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu