Chapter Twenty Two

32.5K 828 76
                                    

"So si Ms. Intrams pala ang binabalik balikan mo dito."

Ibinato niya kay Ruth ang hawak na bola. Agad naman nitong nasalo iyon. "Zip your mouth Ruth. Baka may makarinig sayo." Saway niya. Sumandal sila sa dingding ng Science Club Office na nakatapat sa field. May mga grupo ng estudyante doon. NakaPE uniform.

"Pare, alalahanin mo freshmen yang si Ms. Intrams." Napatitig siya sa dalagitang nakaupo sa damuhan. Nakaathlete ponytail ang buhok nito at nakangiti sa kapwa estudyante habang nakikipagusap.

Dalawang buwan mula nang koronahan itong Ms. Intrams. At dalawang buwan na rin siyang lihim na sinusundan ito. Hindi niya alam pero parang may magnet na humihila sa kanya patungo sa dalaga. Minsan pa nga ay palihim siyang nanunuod ng Volleyball practice nito. Sinusundan sa mga clubs sa sinasalihan nito.

And the weirdest thing he'd ever done is, sa kagustuhan niyang makilala ito'y sumali siya sa club kung saan kasali ito. Pero walang nangyari doon. Bantay sarado ito ng nobyo niya na kalaunan lang niya nalaman. "May boyfriend na yan baka nakakalimutan mo." Paaalala ni Ruth sa kanya.

"Alam ko." Tipid niyang sagot. Kung bakit ba naman kasi natorpe pa siya. Edi sana matagal na siyang napansin ng dalaga.

Nakita niyang tumayo ito sa pagkakaupo at sinalubong si Neil Collantes. Isa sa mga varsity player ng Saint Augustine College. Humalik ito sa pisngi ng dalaga na labis na kinapanibugho niya.

"Tara na." Nilampasan nalang nila iyon. Naiinis lang siya kapag nakikita niyang nakaakbay ang lalaking iyon sa dalaga. Kinakain ng selos ang dibdib niya.

"Alam mo, kung ako sayo. Kakalimutan ko na ang babaing yan. Gagraduate na tayo. At kapag nakaalis na tayo dito. Pare, lilibot tayo sa asya. Sobrang daming chicks ang makikilala mo." Itinirik lang niya ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Ruth. Ang dalagang iyon ang gusto niya. Pero minalas na naunahan siya.

"So, do you remember her now?" Pinikit pikit niya ang mga mata. Naalala na niya ang lahat. Kung bakit pamilyar si Dioann sa kanya. Ito pala ang dalagang iniistalk niya noon. "Torpeng torpe ka pa sa crush mo." Ngising ngisi si Ruth sa kanya.

Binato niya ito ng ballpen. "Gago!"

Sumandal si Ruth sa swivel chair at tumitig sa kanya. "Going back to our topic. Bakit hindi ang college crush mo ang tanungin mo tungkol sa tulongna hinihingi niya sakin. Bilang opisyal na abogado niya. Wala akong karapatang magbigay ng impormasyon sa iba lalo kung walang pahintulot niya. Kaya sa kanya ka magtanong."

"Rosales. Isang bagay lang naman ang itinatanong ko. Anong kaso ang pinapahawakan niya sayo? Yun lang and tapos na." Sabi niya.

"Confidential nga kasi. At sala alam mo naman na hindi pwede yang mga ganyang tanong. It's between me and my client only." Napabuga siyang hangin. Mukhang wala nga siyang aasahan kay Ruth. Masyadong malihim ang kaibigan niyang ito. Kaya marahil kahit naging magkaklase sila noon ay hindi sila naging sobrang lapit sa isa't isa. Malihim kasi ito.

"Fine. Hindi na ako mangungulit. But can you tell me why she need to seek for psychiatrist? Yun nalang ang sagutin mo." Tinirikan lang siya ni Ruth ng mga mata.

Kamot kamot ito sa ulo. "Ang kulit mo! Yun din yon e! Iniba mo lang ang tanong." Tila nauubusan na ito ng pasensya.

Mabuti nalang at tumayo ito. Sandaling nagpaalam sa kanya dahil may kausap sa cellphone. Ginamit niya ang pagkakataong nasa labas ito para maghanap ng sagot sa tanong niya.

Binuklat buklat niya ang mga folders na nasa lamesa nito. Mga iba't ibang serial reports iyon. Dumako siya sa filling cabinet at naghanap doon.

Alphabetical order ang ayos ng mga iyon. Mula sa dulo ay may nakita siyang Victorio, Dioann kinuha niya iyon at binuklat. Profile ni Dioann ang tumambad sa kanya. Binasa niya ang mga nakasulat doon. Nanlaki ang mga mata niya sa huling pahina na may Witness statements.

Dioann got raped six years ago?




To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now