Chapter Thirty Eight

33.5K 693 98
                                    

"Mama!"

Tarantang sigaw niya ng makita niya ito sa loob ng isang itim na Pajero. Tila hirap na hirap ito. Bumaba siya sa sasakyan ni Martin at mabilis na tinakbo ang saskayang nakaparada sa isang gilid ng matalahib na kalsada.

"A-Anak.. " Hirap nahirap na sabi ng kanyang ina. Nahumindik siya ng makitang may taling tela ang binti nito. May umaagos na dugo doon.

Hinawakan niya ito sa kamay. "Mama.. Dadalhin kita sa ospital." Pero pinigilan nito ang kamay niya.

"P-Patawarin mo ako. Anak.. " Tumulo ang luha niya ng bumuka ang bibig nito. Nahihirapan na ito pero pinipilit paring magsalita. Lihim niyang isinumpa sa isip si Martin. Nagsinungaling ito sa kanya kaya sumama siya. Hindi totoong nasa ospital ang kanyang ina. "M-Mahal na mahal ko ang papa mo.. Ka-Kahit kailan ay hindi ko siya nagawang ipagpalit sa iba... " Pero nagpakasal naman siya sa iba. Nais sana niyang sabihin. "N-Napilitan lang akong.. Magpakasal kay.. Kay.. Martin.. T-Tinakot niya ako.. Sinabi niyang.. Papatayin ka niya.. N-Natakot ako.. Ninakaw niya ang lahat ng yaman natin... D-Dahil hindi ko matanggap ang pagkamatay ng papa mo.. Nalulong ako sa.. Droga.. Gabi gabi ay pinapagamit sakin ni Martin iyon para kumalma ako at magawa niya ang gusto niyang gawin.. S-Sakin..."

Kinuyom niya ang kamao. Ang sama niya. Napakasama niya para gawin ang ganoon sa kanyang ina. "P-Paulit ulit niya akong ginagawang l-laruan.. S-Sila ng kapatid n-niya... "

"K-Kapatid niya?" Naguguluhang tanong niya. "Mama anong ibig mong sabihin?"

Humaplos ang nanginginig nitong palad sa pisngi niya. "T-Tumakas kana.. Habang may o-oras pa.. Ayokong abutan ka ni.. ni Cesar. K-Kukunin ka niya."

"Mama.. " Nalilito na siya. Bakit naman iya kukunin ng lalaking iyon.

"S-Si.. C-Cesar.. Ang lalaking.. Nanamantala sayo.. Patawad anak... H-Hindi ko alam.. Lulong ako sa droga.. L-Lumapad ang utang ko sa kanya.. H-Hindi na sumapat na ipambayad ko ang sarili ko sa kanya... I-Ikaw ang..ang hiningi niyang kabayaran." Napasinghap siya. "P-Pero.. Hindi ako pumayag.. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon.. Pero.. G-Ginawa niya ang lahat para makuha ang gusto niya.. P-Patawad anak.. "

Nanlalambot na napasandal siya. May koneksyon ang lahat ng nangyari sa buhay niya. Dugtong-dugtong. Nakuyom niya ang kamao. Halo halo ang nararamdaman niya. Awa para sakanyang ina na biktima din pala. At galit oara sa mga taong nanakit sakanila.

Nanungaw sa bintana si Martin. "Hayop ka! Hayop ka!" Pinagmumura niya ito at hinampas. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "Pasalamat ka at hindi ka pwedeng magkagalos miski isa. Kung hindi.. Nagaya kana sa nanay mo. Magagalit si utol kapag nagalusan ka. " Dinuraan niya ito s amukha.

"Ipakukulong ko kayong dalawa at sa oras na makulong kayo. Titiyakin kong bitay ang aabutin niyo do--." Hiyaw ng kanyang ina ang nagpatigil sa kanya.

Nakahulagpos na pala ang telang nakatali sa sugat nito at binubuhusan ng magaling nitong asawa ng beer na nasa lata. "Aahhhhh! " Mahabang sigaw nito.

"Hayop ka talaga!" Dinaluhan niya ang ina.

Tila demonyong tinignan siya ni Martin. "Hindi kita pwedeng saktan kaya ang nanay mo ang makakatikim." Sunod sunod ang paglunok na ginawa niya. Paano nga ba sila makakatakas dito? Wala silang sasakyan at may hawak itong baril na nakatutok sa kanila.

Naghahalo na ang pawis at luha niya. Ito ang kinatatakutan niya. Paano si Onie? Paano si Jorge? Paano silang mag ina ngayon?

Ang daming paano. Sana pala niyakap muna niya ng mahigpit ang anak niya. Sana pala nasabi na muna niya kay Jorge na mahal niya rin ito. At sana pala ay matagal na niyang niligtas ang ina sa kamay ni Martin. Marami siyang Sana.

Pero dagling nawala sa isip niya iyon ng may pumaradang itim na Mazda sa harapan nila. "Utol! " Sabi ni Martin at sinalubong ang bagong dating.

Nanlamig ang buong katawan niya. Nanginginig siya. At natatakot. Lumapit ang lalaking nakaitim na polo sa gawi nila. Tumutok ang mga mata nito sa kanyang ina na nanghihina na dahil sa dami ng dugong nawala dito. "Kamusta kana Selena? Mukhang nangangayayat ka. Nasobrahan ka na yata sa diet."

Sumabat si Martin. "Die eat ang gusto niyang utol." Na sinabayan pa ng pagtawa.

Gusto niyang saksakin ang mga ito. Gusto niyang mamatay ang mga ito sa kamay niya. Pero paano?

Humarap ang lalaki sa kanya. Tila lumang katatakutang pelikula na rumagasa sa isip niya ang lahat. Naalala na niya ang mukhang iyon. Ang lalaking sumira sa buhay niya at pagkatao niya ay nasa harapan niya ngayon.

"Hi baby.. Kamusta kana?"





To be continued...





-------

I know nahihirapan kayong isipin kung paano sina Dioann at jorge dahil magkapatid pala si Jorge Onie.

Ayokong maging spoiler pero hindi ko naman kasi masasagot ang tanong niyo kung mananahimik ako.. At bibigyan ko kayo ng sagot na let's see..

So sasabihin ko na, Onie will be one of my Hero sa Hermosa señoritas. Yung real relationship niya kay Jorge ang magiging factor sa buhay niya. Paano at bakit? Yun nalang po ang abangan natin.

Two chapters to go at magpapaalam na sila sa inyo... Hasta la vista mga mahal..

Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon