Chapter Sixteen

34.1K 799 53
                                    

He look up the ceiling. Naguguluhan siya sa sarili niya. He's here in Canada for some business only. Dapat ay nakabalik na siya ng Pilipinas more than five days ago. But he is still here. For what? For helping Dioann and Onie?

Hayun nga at kinausap pa niya si Ruth para lang sabihing may kakilala siyang nangangaipangan ng tulong nito. Hindi sipa ganoong kaclose ni Ruth pero magkaibigan sila. Magkasama sila noon sa varsity game noong college palang siya. Pero maiituring pa rin niya itong matalik na kaibigan.

Kataka takang kailangan ni Dioann ng isang criminal lawyer. Minsan iniisip niya, baka may kinalaman sa asawa nito kaya ganoon. Asawa? Paano nga ba niya nasabing may asawa na ito? He haven't seen any ring in her finger. Baka hiwalay na.

Bumangon siya sa pagkakahiga at tinanaw ang kabuuan ng siyudad. Sa makalwa na ang balik niya ng pilipinas. Di na niya maaaring ipostpone iyon dahil may mga naghihintay sa kanya. And speaking of naghihintay. His phone rang.

"Why i can't contact you since morning? Nasa pilipinas kana ba?" He groaned when he heard his Older brother voice.

"Nasa Winnipeg pa ako kuya." Tipid niyang sagot.

"Winnipeg? Kailan ka pa dumating d'yan diba? I've been calling you mula pa kanina. And your phone is cannot be reach. What the hell happening to you brother?" His kuya is nagger as his Father.

"I'll be home soon. Okay." Sagot nalang niya. Walang mangyayari kung papatulan niya ang pagsesrmon nito sa kanya.

Narinig niya ang paghinga nito. "Alright, be home early. Isasama kita sa Munisipyo. Dad wants you be there." Huminga muli ito. "And i need you here for Ciara. She misses you." Sabi nito.

Tumango nalang siya kahit hindi siya nito nakikita. Namatay ang tawag at ipinatong na niya ang cellphone sa maliit na lamesa. Tatakbong Mayor muli ng bayan nila ang kuya niya. Batam-bata para sa posisyong gusto nito.

Ano nga ba ang nakapagtataka? Dating Gobernador ang lolo nila. Ang ama naman nila'y naging mayor. At nang magretiro sa politika ang lolo nila. Ang ama nila ang tumakbong Gobernador na pinalad namang manalo. Ngayon ay ang kuya niya yata ang magmamana ng politika sa pamilya.

He has no likes for politics. Mas gusto niya ang normal na buhay. Not that he said na hindi normal ang maging politician. For him, politics is like a Magazine. Mafefeature ka sa kung saan saan. Ilalagay ka sa kung saan saan. At hahabulin ka sa kung saan saan. He is happy to where he is now.

Maraming nagsasabing gaya ng buong pamilya niya ay magiging mahusay din siyang pinuno. Pero wala doon ang hilig niya. Hindi niya gustong umupo sa loob ng munisipyo at magbilang ng sandamukal na reklamo at pumirma ng sandamakmak na proyekto. He want is, a freedom. Far from those people who has a great expectations than him. Kung siya nga maligaya na sa kung nasaan siya. But his family wants greater than to what he could give.

Hindi siya kagaya ng kuya niya. Bata palang sila nasa isip na nito ang pulitika. Na kabaliktaran niya. Dahil hindi siya makatulog inumpisahan nalang niyang ayusin ang mga gamit niya. Sa susunod na araw ay aalis na rin naman siya.

Again, he frowned upon remembering Dioann face. Hindi talaga niya maintindihan why she looks familiar to him. Impossible naman na naging nobya niya ito noon. Oo at palikero nga siya noon pero napakaimposibleng may naging ugnayan siya sa Babae.

Pilit niyang inalala ang mga ngiti nito. Ang mga mata nitong nakaukit sa isip niya dahil may kahawig sa nakaraan niya. Pero sadyang hindi niya maalala kung saan nga ba niya nakita ang mga iyon.

Sa huli ay sumuko na rin siya. Stress lang marahil siya. Bago siya pumikit ay napatingin siya sa panyong nakapatong sa bedside table. Bigay iyon ni Onie sa kanya kanina noong nananghalian sila sa down town. Natapunan siya ng iced tea. Binigay nito sa kanya ang panyo nitong may burdang Onie. And when he remember the child. A little smile appeared in his face.




To be continued...




---------

This story has a new flavor. Sana lang di ako mabigo sa sarili kong expectation. Kaya yung mga nakahang na tanong niyo. Hindi ko po yan muna sasagutin. Kayo ang gusto kong makatuklas sa sagot sa mga tanong niyo. Dahil gaya niyo, nagtatanong din ako. Hehehe

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now