CMA39: The Truth Is..

4.9K 124 19
                                    

CMA39: The Truth Is..

---

Third Person's POV

Naranasan mo na bang magtapat ng nararamdaman?Hindi ba't ang hirap? Nakakakaba, nakakapanghina.

Hindi mo alam kung kaya mo ba talagang sabihin sa kanya, magbabackout ka pa ba? Makakaya mo pa babg itago pa ang nararamdaman mo?


Ilan lamang 'yan sa mga tanong na umiikot sa ating isipan kapag tayo'y magtatapat sa taong mahal natin. Kung hindi ka magtatapat ngayon kailan pa? Kailan ka pa magtatapat? Kapag may kasama ba siyang iba? Kapag wala ng paraan para kayo ay magkasama? Kapag masaya na siya sa iba? 'Yon ba ang hinihintay mo?

You need to confess bago pa mahuli ang lahat. Malay mo may chance ka pa, malay mo magiging kayo pala. Now or never. Kapag nagmahal ka dapat malakas ang loob mo. Nagmahal ka pa kubg panghihinaan ka. When we love, we don't just find the one we want to spend our whole love forever. We learn.

Natutuhan natin ang mga bagay bagay na hindi natin alam dati. Lumalakas ang ating mga kalooban, natututo tayong sumugal para lang sa pag-ibig.


Napabalikwas ng bangon si Clarice, napahawak siya sa labi niya na hinalikan ni Raine. Gulat niya tinitigan ang familiar niya na nag- aalalang nakatingin sa kanya. Namula ang kanyang mga pisngi ng lumihistro na sa utak niya ang nangyari.



"May napaniginipan ka bang masama, Rin-rin?" Nagalala nitong tanong sa master niya. Hinawakan nito ang pisngi. "W-wala akong napaniginapan na masama! Pero.." napakagat labi siya, hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.


"D-did you just kissed me?" Ani Clarice. Naestatwa si Raine sa tanong ng master niya. "Yes. I did, "  matapang nitong sagot.


Tinignan niya ito sa mga mata, puno ng pagmamahal ang mga ni Raine. Handa na siyang magtapat, sana pagkatapos nito ay walang magbago sa kanila. Kung kaya pa sana niyang pigilan ang nararamdaman niya ay hindi pa sana siya magtatapat ngunit napakabigat na ng loob niya at gusto na nitong kumawala sa loob niya. Gusto na nitong lumabas mula sa kanyang mga bibig.




Ang nararamdaman niya na ilang taon na rin niyang tinatago at pilit na kinakalimutan..




"But why?" Napahawak siya sa palda niya. Yumuko si Raine sa harap niya. Inilahad niya ang kamay niya kay Clarice. "Come, I'll show you,"



Kinuha naman ito ni Clarice, sabay silang lumabas sa kagubatan. Sa paglabas nila ay nawala ang mga puno na nakapaligid sa cabin na kinaroroonan nila. Ngunit hindi umalis ro'n ang isang matandang puno.


Lumapit sila roon, hindi pa rin inaalis ni Raine ang paghawak sa kanyang kamay. Pinisil niya ito, lumingon si Raine sa kanya at ngumiti ng makahulugan. Nag- umpisang humangin. Sa bawat pagtunog ng mga dahon sa malaking puno ay naririnig niya ang mga gustong sabihin ni Raine ngunit hindi niya magawa gawa..


'Inatasan akong maging familiar ng isang babaeng nagngangalang Reina'


'Ang ganda niya nung nakita ko siya'

'Napakabait niya, naging magkalaro kami!'


'Ang saya ko kapag kasama ko siya, sana ganito na lang kami lagi'


'Wala sila, pumunta sa Fire Kingdom. Bakit ba parang kinakabahan ako? May mangyayari bang masama?'


'Nakalimutan niya ako. Hindi daw siya si Reina, siya daw si Clarice Anne Bernardo. Pinakilala ako ni Auntie sa kanya bilang magpinsan  pero ang totoo ay magkababata talaga kami'



'Tumungtong na kami ng highschool. Naging sikat ako, at siya nagibg nerd. Binansagan pa nga kaming nerd-hearttrob couple. Bakit ang saya- saya ko?'



'Magkikita kami ni Rin-rin para pumunta sa cafe na bagong bukas!'



'May mga dark crexel users ang napunta sa mortal world, kinakabahan ako para sa kanya'



'Namatay si Auntie, sobrang nalungkot si Rin-rin sa pagkawala niya. Sa bawat pagpatak ng luha niya ay siyang pagdurog ng puso ko. Ano ba ang nabgyayari sa akin?'




'Pumunta na siya sa CMA sana maging maayos siya, hanggat wala pa ako r'on'


'Nasurpresa ko siya sa pagdating ko sa Academy. Mukhang naging kaibigan na rin niya ang E.R. '



'Lumalapit na ang loob niya kay Ace. Bakit ako nagseselos?'



'Nag-iwan ng marka sa leeg si Ace sa leeg ni Rin-rin! Nakakainis! Gusto ko na siyang lunurin pero kaarawan ngayon ni Clarice'



'Gusto kong halikan si Clarice, gusto ko akin lang siya. Nagiging selfish na ba ako? '




'Sinaktan na naman ni Ace Clarice! Ang lakas pang ipamukha na si Alisa ay si Reina! Wala akong nagawa para hindi mahulog ng lubusan si Clarice.'




'Nagmumukmok lang siya sa kwarto niya sa palance. Sobra na akong nag- aalala sa kanya. Kung ako na lang sana ang minahal niya'

'Bumalik na siya sa Academy. Mas lalo lang siyang masasaktan, nadudurog na naman ang puso ko '





'Nakita ko silang magkasama. Heck, Ace did the Fire Ritual! Pero hindi ako papayag na mapasakanya si Clarice. Mahal na mahal ko ang Rin-rin ko kahit na isang kababata lamang ang tingin niya sa akin. '



'Durog na durog na ang puso ko. Bakit ba kailangan kong masaktan ng ganito? Nagmahal lang naman ako..'



'Ang saya ko. Nahalikan ko si Rin-rin sa labi. Kahit 'yun lang ang ayos sa akin. Napagdesisyunan ko na magtapat sa kanya. Tinago ko na ito ng ilang taon. Ngayon, ipapaalam ko na mahal na mahal ko siya, na kahit ano ay gagawin ko para sa kanya. '



'Wish me luck, old tree..'


(A/N: Yung mga naka Italics po ay ang mga daing ni Raine simula pa nung bata siya. Hanggang paglaki niya, sinasabi niya sa punong matanda ang lahat ng nangyari sa akin. Parang diary pero ang kaibahan lang ay puno ang sinasabihan niya. Parang may sariling isip ang puno at parang nirerecord ang mga sinasabi niya at kapag tumatama ang hangin rito ay lumalabas ang mga salitang sinabi sa kanya. )






Kinuha ni Raine ang magkabilang kamay ni Clarice. "The truth is.. I really love you Clarice Anne Bernardo. I love how you smile, how you move, how your eyes spark whenever you stare at me. I don't know kung bakit kita mahal o kailan ito nagsimula. Pero ang alam ko lang ay mahal kita, alam ko na hindi ako ang tinitibok ng puso mo. Pero.." hinila siya payakap ni Raine.



"Can I please, treasure my forbidden love to you?"







----


So sino na ang nakaranas na ang magtapat sa inyo? Dali comment na kayo guys, maaapreciate ko talaga ang mga comment niyo.


Please Do:


ⓒⓞⓜⓜⓔⓝⓣ

ⓥⓞⓣⓔ

ⓕⓞⓛⓛⓞⓦ ⓜⓔ

♤♠Stef__12♧♣

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now