CMA40: Sorry & Reina

4.1K 104 2
                                    

CMA40: Sorry & Reina

____

Clarice's POV



Alam ko sa sarili ko na hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ipinapadama niya. Hindi ko kayang mahalin ang familiar ko. Si Raine.





Kung matuturuan ko lang ang puso ko na kalimutan si Ace at ibigin na lamang si Raine, ay matagal ko ng ginawa. Pero hindi gano'n ang pag- ibig e.







Hindi mo kayang turuan ang puso mo, hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo. Lalo na't kung ito lang ang nagbibigay ng liwanag sa madilim mo mundo. My life is full of darkness since my Auntie died, until Ace came into my life. 






Tinignan ko sa mga mata si Raine. Ayaw ko siyang paasahin, at sana ay tanggapin niya ito ng maluwag sa kalooban. Kahit na alam kong masasaktan siya, kailangan kong gawin ito upang hindi na mas lalo pang lumalim ang pagtingin niya sa akin.






Humugot ako ng hininga ng malalim. Hindi pa rin inaalis ang tingin kay Raine. "Raine--" he cut me off. He placed his left hand on my cheek. He gently caressed it.


"I know, hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko. Alam na alam ko na mahal na mahal mo siya , si Ace. Kitang kita ko 'yon sa mga mata mo. Tapat kang nagmamahal sa taong lagi ka namang sinasaktan. Bakit hindi ako na lang Rin-rin? Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo ng ganyan? Ganyan ba talaga ang pag- ibig? Lagi kang sinasaktan? Laging dinudurog- durog ang puso mo? "


Napaiwas ako ng tingin. Hindi ako makapagsalita.. hindi dahil wala akong masabi kundi dahil ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya. Parehas lang ang sitwasyon ng mga puso namin, dinudurog sa bawat pagkabog, naninikip ang dibdib, lumuluha, laging umaasa. Lagi na lang sinasaktan.


"Raine. Napakabait mong kaibigan, kuya, at familiar. Nandyan ka kapag kinakailangan ko. Lagi mo akong pinapasaya kapag malungkot ako, pinoprotekta kapag mahina ako. For me, you are the perfect guy that every girl wants--" muli ay pinutol niya ako sa gitna ng pagsalita ko.

"You are the perfect girl for me. My Clarice..  " may pagbabadya ng luha ang lumitaw sa kanyang mga mata.

Third Person's POV



"But I am not the perfect girl! I can't be the girl you are waiting for.. I am not your Ms. Right. Maybe-- maybe she is somewhere. Waiting for you to find her, waiting for you to love her as you love me or more than you love me. Naiintindihan mo ba Raine? I'm sorry talaga dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo.. sorry talaga pero.. si Ace ang mahal ko," napayuko si Clarice. Nasasaktan din siya para kay Raine. Mahirap rin ang kalagayan niya, paano kung ganito rin ang mangyari sa kanya? Paano na kung gano'n nga? May magagawa pa ba siya?


"I DON'T CARE!" Napatingala si Clarice sa biglang pagtaas ng boses ni Raine. Bumilis ang tibok ng puso niya sa gulat. Sunod- sunod ang pagpatak ng luha nito. Ang damit na pang-itaas nito ay nababasa na dahil sa mga luhang
umaagos.



"Buo na ang pasya ko, Clarice. Sa ayaw mo at sa hindi, mamahalin kita. Sabihin mo na nagpapatanga ako edi tanga! Dahil ikaw lang ang tinitibok nito, walang makakapalit sa'yo hanggang kamatayan.

Tinago ko 'to ng mahabang panahon. Nasaktan na ito ng hindi mabilang na beses, pero eto pa rin siya. Kahit wasak na wasak tumitibok pa rin. Walang kupas na tumitibok sa babaeng mahal na mahal niya. At ikaw 'yon Clarice, huwag mong sasabihin na sumuko na ako. Dahil kahit ilang beses pang durog durugin ang puso ko lalaban siya, lalaban siya para sa'yo. " napaiyak na rin si Clarice. Tumitigas na naman ang ulo ng familiar niya. Minsan iniisip niya kung ano ang gagawin rito, hindi niya akalain na hindi nito tatanggapin ang pagrereject niya sa nararamdaman nito.






She clenched her fist. "Pero masasaktan ka lang."


"Then be it! Masaktan na kung masaktan, basta maparamdam ko lang sa'yo 'to. " niyakap ni Raine si Clarice ng mahigpit. Ayaw niya na bitawan ito, hinding hindi niya ito bibitawan. Lalong lalo na ang nararamdaman niya. Napangiti ng malungkot si Raine, sa wakas nasabi na niya ang lihim niyang pagtingin.





Ngunit tulad ng inaasahan ay irereject ito ni Clarice.   



_____

Ace's POV

"Nasaan kaya 'yung dalawang 'yon? May pinuntahan siguro.. hayyss." Parang bata na nagmaktol si Head Master Harold habang nakaupo sa may shivel chair niya.


"Anyways, Elemental Royalties. Ang ibabalita ko sa inyo ay isang mahalagang impormasyon patungkol sa nalalapit na digmaan. " biglang nagseryoso ang kanyang mukha. Bipolar si HM.



"Una, mula sa mga magulang ninyo. Hinihiling nila na kayo'y bumalik sa inyong mga palasyo. Kailangan ng mga kaharian ang inyong presensya, ang alam ko ay gagawa ang bawat royal family ng Elemental Barrier para sa proteksyon ng kanilang nasasakupan. Ang mga sundalo ay nagsasanay na para sa digmaan, ang mga blue bloods naman ay gumagawa ng mga plano. At isang misyon ang inaalabas nila para sa inyo. " napailing- iling si HM Harold. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako.



"Kailangan ng mahanap ang prinsesa. " tinignan niya kami isa- isa sa mga mata. Pinag- aaralan ang mga reaksyon namin.



"Ang Long Lost Princess of the Elemential Kingdom. Princess Reina Evangeline Crane." Pare parehas kaming nagulat.


"Si.. Reina?" Hindi ko mapigilang masambit.



"No, si Reina.. ang TUNAY na Reina," napakunot kami ng noo.






What the hell is happening?





---

Please Do:



ⓥⓞⓣⓔ

ⓒⓞⓜⓜⓔⓝⓣ

ⓕⓞⓛⓛⓞⓦ ⓜⓔ!!


••Stef__12••

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now