CMA64: ELINE IS MY NAME.

2K 30 6
                                    

CMA64: ELINE IS MY NAME. 

-----

THIRD PERSON'S POV

   It has been two days since Eline and Raine visited the Elemental Kingdom. Hindi makalimutan ni Eline ang naging experience ng pagpunta sa lugar,  'Sana bumalik pa uli kami roon! ' ani niya sa sarili. 

"I-mik! " sabi ng alaga nilang Waetra,  also known as Rin-rin. 

"La Vin? "(What?) kausap niya rito.  "I-mik! Imik! " (I'm hungry!) hiyaw nito. 

Ngunot noo niya itong pinaghandaan ng makakakain.  Nang inalapag na niya ang pagkain nito sa sahig ay masaya naman itong nilantakan ng alaga. 

Nakapangalumbaba niya itong hinintay na matapos na kumain.  Nilalaro-laro pa niya ang mga lava rocks na kasing lapag ng kanyang hintuturo. 

"Wala naman akong magawa ngayon!  Bakit ba kasi umalis si Raine eh! " reklamo niya sabay bato ng lava rocks sa kung saan. 

As always,  nangitim ito't nagliwanag tsaka naging abo.  She kept on making lava rocks in her past time at pinaglalaruan ang mga ito. 

Lagi nga siyang sinusuway ng kanyang familiar pero hindi niya ito pinapansin. 

"Hey! " bahagyang nagitla ang munting batang si Eline sa biglang paglitaw ng isang lalaking nakasuot ng pirate suit. 

'Hmm?  He sounds familiar! '

Ani ni Eline sa sarili.  Nangunot ang nuo niya,  pilit na inaalala ang lalaking nasa harapan. 

"Grabe siya,  nakalimutan agad ako!  Ako to si Avrolou,  ikaw yung batang naligaw dati diba? " paalala niya rito. 

Nawala ang pagsasalubong ng kilay ni Eline,  tila nagliwanag ang mga mata niya sa napagtanto. 

"Ahh, ikaw nga yon!  Anong ginagawa mo rito? " walang ganang pahayag ng paslit. 

Nag-make face naman si Avrolou rito, it's his turn to be daze. 

Parang pamilyar sa kanya ang boses at mata nito pero hindi niya mapagtanto kung kanino niya narinig at nakita ang mga ito. 

Ipinagsawalang bahala na lang niya ang pansamantalang pagkalito.  "Wala lang..  Masyado kasing maingay si Electo dahil nakipag-basag ulo uli si Firo, " tugon nito. 

Napairap naman si Eline.  "At bakit sa lahat ng mapupuntahan eh dito mo pa sinadya?  Can't you see I'm busy! " mataray niyang saad. 

"Eh?  Busy ka na sa lagay na yan?  " Avrolou exclaimed.  Umupo siya sa sahig-- lupa pala. 

"Wag ka ngang umupo dyan!  Ang dumi-dumi dyan! " nandidiring ani ng paslit. 

Tinuro niya ang espasyo sa gilid niya,  ito ay nagpapahiwatig na umupo si Avrolou sa tabi niya. 

"Bakit ba ang sungit mo?  Nung huli tayong nagkita nagmistulang anghel ka eh,  tas ngayon parang--"

Hindi na natapos ni Avrolou ang sasabihin ng pinaligiran ng tubig ang mukha niya.  Pawang nakakulong ang mukha niya sa bubble na puno ng tubig. 

'Syet!  Kung hindi ako nakahinga agad siguro nalunod na ako rito.  But wait..  Papaanong?'

"Shut up old hag,  " naiiritang hasik ni Eline,  kinuwelyuhan niya pa ito at pinaglisikan ng mata.  Sabi ni Raine kasi sa kanya ay huwag magtitiwala ng basta basta lalo na sa mga taong bigla na lang lumilitaw.  They are bad news. 

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now