CMA49: Undying Love

2.3K 50 3
                                    

CMA49:  UNDYING LOVE

_ _ _ _


THIRD PERSON 'S POV

TAHIMIK na nakaupo si Raine Sa isang puno habang pinagmamasdan ang master niya.  Inaamin niyang hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita,  inaamin din niyang hindi pa rin siya tuluyang nakalimot ngunit mas kailangan niyang panatilihing ligtas at buhay si Clarice. 

Lalo na't sa paglipas ng panahon ay lalong nalalagay sa kapahamakan ang buhay ni Clarice,  hindi niya hahayaang mamatay ang master niya kahit kapalit man nito ang sarili niyang buhay. 

Hands siyang mapakatanga nang dahil lang sa pag-ibig,  he knows that he already reached his limit pero hindi siya magpapatinag.  Ipagpapalit niya ang pwesto, kapangyarihan, at buhay niya.

Iyan ang kanyang sinumpaan ilang taon na ang nakakalipas at wala siyang planong basagin ang promise niya.

Dahil para sa kanya, maituturing na krimen ang pagbasag ng pangako.

AHHHPALAKA, ” rinig niyang tili mula sa 'di kalayuan.  Nagsalubong ang mga kilay niya ng makitang nakaupo sa damuhan si Avrolou habang hawak ang pwet na sa kanyang tingin Ay napuruhan ng isang matigas na bagay. 

Agad siyang nagteleport sa harap nito at tinulungang makatayo,  napailing na lang si Raine sa kaibigan.  "Oh Raine nakabalik ka na pala! " bungad sa kanya Ni Avrolou habang inaayos ang sarili. 

Binulsa naman Ni Raine ang mga kamay niya at muling tinignan si Clarice sinundan naman ni Avrolou ang tingin niya.

"Pinagloloko ninyo ba ako ni Electo? " hindi makapaniwalang sabi ni Avrolou habang kinakamot ang batok. 

"Bakit naman? " takang tanong ni Raine. 

"Parehas kayong hindi maka-move on eh,  hala kayo!  Kaya hindi ako nagkakagusto sa mga babae eh,  kapag nakikita ko kayo natrautrauma na agad ako! " napangiti naman si Raine dahil sa kaartehan ng kausap. 

"Sa tamang panahon maiintindihan mo rin kami Avrolou.  " tipid niyang sagot bago muling naglaho sa tapat ni Avrolou.  Napamura naman si Avrolou nang maalalang masakit ang kanyang pwet,  pinagsisihan na niyang magteleport. 

— — — —

MULA SA LABAS NG BULWAGAN ay tahimik na kumikilos ang mga taong nakasuot ng purong itim na kasuotan ranging ang kanilang mga mata  lamang ang makikita. 

"Panginoonhanda na po ang lahat," nakangising tala ng lalaking may hawak ng dagger sa magkabilang kamay habang pinaglalaruan ang mga ito.

"Mabutikawawang mga craxelian kung hinayaan lang Sana nilang pamunuan natin ang Devarga hindi na Sana nila kailangan pang magbuwis ng libong buhay, " sarkastikong ani ni Laxcous bago lagukin ang basong hawak niya. 

Pumasok sa kanyang munting silid ang isa pang tauhan at pinuno ng Isa sa kanyang itinayong mga pangkat,  hindi tulad ng naunang nag-ulat wala itong hawak na armas at hindi nito itnago ang kanyang itsura. 

"Mabuti't nandito ka na Alfonso nabalitaan Kong nagtagumpay ka sa iyong misyonlalong mapapadali ang making Plano, " tumawa ng pagkalakas lakas si Lacxous sapat na upang itaboy ang mga ibong malapit lamang sa kanilang pwesto. 

Hindi sumagot si Alfonso sa halip napaigting bagang siya,  wala siyang magagawa hawak siya sa leeg nito.  Kahit anong niya ay alam niyang si Lacxous pa rin ang mananalo kung hindi man siya pumayag. 

Maduming maglaro si Lacxous sapat na ang ilang taong nasa ilalim ng pangangalaga siya nito upang mabatid ito. 

Lahat gagawin ni Lacxous upang manalo gano'n kasakim ang lalaking nasa kanyang harapan.  "ang dating itinalagang familiar ng yumaong Reyna ay naging taksil na ngayonPaano Kaya tatanggapin ito ng Devarga? " masamang tumingin si Alfonso Kay Lacxous. 

"Manahimik ka!  Hindi pa patay ang master ko, buhay pa siya, " pagtatanggi ni Alfonso. 

"Oowwss?  Eh sino ang babaeng ikaw mismong ang pumatayHuwag mong sabihing ganyang Mo pa rin kamahal ang master Mo?  Mukhang hindi ata totoo ang mga sabi-sabi na tapat kayo sa mga amo ninyo, " ani ni Lacxous. 

"KAHIT KAILAN HINDI KITA NAGING MASTER! " diin ni Alfonso bago umalis. 

Pinapangako niya,  balang araw siya mismo ang papatay sa napakasamang lalaking iyon.  Para sa Reyna,  for his master.

Nang dumating na ang nakatakdang oras ay gano'n na lamang ang pag-aalala ni Alfonso at kaba. 

Ang gown,  hindi nito matatalo ang mahikang iniligay ni Lacxous rito ngunit mapapahina nito ang epekto nito Kay Clarice Sana lang sapat na ito upang makatulong. 

SAMANTALANG patuloy na nanaig ang tensyon sa loob ng bulwagan,  kanina tumahimik ang buong paligid maging ang hari't Reyna ng iba't-ibang palasyo ay hindi nangahas na pumagitna. 

Hindi dahil sa impluwensiya  ng councils kundi sa aura na lumalabas kay Clarice ang mga kobyeros na hinahawakan nito ay nagiging abo kung kaya't may katabi itong lalagyan ng mga kutsara kung saan niya kinukuha ang susunod niyang gagamitin pagkatapos na maging about ng kutsara. 

Galit na galit siya,  ngunit pilit pa rin niyang pinapakalma ang sarili kahit na mukhang masyado nang nakakasira ang kanyang kapangyarihan. 

This is  one of the reason why she chose to be cold. 

“Told 'ya,  hindi dapat ninyong ginalit ang prinsesa.  Kung kayo Kaya ang hinahawakan niya ano na Kaya kayo ngayon?  ” ani ni Ertis sa isang tabi.






Nang biglang umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng pagsabog sa buong bulwagan











Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now