CMA53: Another Mission 0.2

1.7K 37 0
                                    

CMA53: ANOTHER MISSION

–—–—–—

HINDI MAPIGILANG MAGBUNTONG HININGA SI CLARICE NG MAPAGTANTONG walang patutunguhan ang pagronda nila. 

Pang apat na araw na simula ng isagawa nila ang unang pagronda,  sa tuwing nakakasalubong naman niya ang mga kasamahan ay lagi ang mga itong nag-aaway sa mga maliliit na bagay. 

Tulad na lamang ngayon na pagtalunan nila Ertis at Watt ang isang puno na may magkahalong dahon na kulay pink at blue,  pinagtatalunan kasi ng dalawa kung ano ang mas babagay sa puno.

MAGSITAHIMIK NGA KAYO! ” Maawtoridad na sigaw ni Electo mula sa kanyang shiver chair. 

Gulo-gulo ang mga buhok nito,  napapansin niyang ilang araw na rin itong nawalan ng oras upang ayusin ang sarili.  Hindi alam ni Clarice kung ano ang pinagkakaabalahan nito ngunit isa ang sigurado niya napaka-stressful nito. 

"Ano ba ang dahilan kung bakit mo kami pinatawag? Nag-eenjoy pa ako eh! " pagdadabog ni Ertis. 

"Tsk, " bungad ni Ace.  Carefree itong naglakad papasok sa loob ng opisina,  nang makaupo ito sa sofa ay pinukol niya ang atensyon kay Clarice na kasalukuyang may binabasa habang nakakunot ang mga kilay. 

"Mission?  Are you kidding me?  " hindi makapaniwalang saad ng prinsesa ng elemento. 

"Right, napag-alaman kong may isang stone na may kapangyarihan sirain ang spell na ginamit upang ipagbuklod tayo sa mga nilalang na tulad ni LexcousMisyon ninyo na kuhanin at protektahan ang stone sa kahit na anong mangyari sa oras na mapasakamay ni Lexcous ang stone wala nang makakapigil sa kanya sa pagsira ng spell, " ani ni Electo habang abalang nagsusulat sa isang piraso ng papel. 

"Sasama sa inyo sa Avrolou upang i-guide uli kayo,  ngunit hindi katulad ng naunang misyon ninyo,  hindi siya hasa sa mga pagsubok na kakaharapin ninyo sa paglalakbay.  Gaya nga ng nauna ko nang sambitintaga-gabay lamang siya at wala nang iba.  " pagpapatuloy pa nito. 

"Yeah,  we get it.  So...  Ibig sabihin nito madadagdagan na naman ang mga araw na lumiliban tayo sa klase,  it also means na kailangan nating maunahan ang mga bagong kalaban sa pagkuha nito? " bored na ani ni Watt.  Siniko naman siya si Airy dahilan upang lumingon ito sa kanya. 

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now