CMA48: Debate

2.4K 62 5
                                    

CMA48: DEBATE



Third Person's POV






__------__

MULA SA 'DI KALAYUAN mataman na pinagmamasdan nina Avrolou at Elekto ang mga pangyayari sa ball. 

Nakakagambala ang katotohanang sa isang pagkakamali lang ng prinsesa ay maaaring magbago ang impresyon sa kanya ng lahat. Hindi maitatanggi ang kaakibat na panganib ng paglantad ng totoong katauhan ni Clarice ng ganitong kaaga. 

Ngunit alam nila na may dahilan kung bakit nangyari iyon,  yun nga lang kailangan nilang hintaying magpakita ang epekto nito. 

"Halika na Elekto baka makita nila tayo,  malalagot tayo nyan! " marahas na bulong ni Avrolou sa katabi. 

"Dude,  eewww walang tayo, " napa-irap si Avrolou sa sinambit ng kausap.

Elekto casted a spell then they disappeared. Inaayos ni Elekto ang shivel chair niya ng madatnan niyang nakataob na ito,  halata rin ang hindi kaayusan sa kanyang mga gamit,  napadako ang kanyang tingin kay Avrolou na nakahiga sa may sofa ng opisina niya.

"Jeez,  man.  Bakit ka ganyan makatinginpinagnanasaan mo ba ako?  'wag mong sabihing.  . Baliko ka na!  Hindi tayo talo tol! " nangangamba na sambit ni Avrolou at nagsummon pa ng kumot upang takluban ang sarili.

"Magtanda ka ngaAvrolou.  Hindi ko alam kung paano ka natagalan ni Clarice, " bulyaw nito. 

Umismid lang si Avrolou at kinuha ang isang kwaderno sa isang gilid,  kapansin-pansin ang golden lines nito at ang malaking letrang SE. 

"Na sa iyo pa rin pala ito?  Akala ko sinunog mo na e.  " bored na sambit nito tsaka binuksan ang notebook. 

Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng makita ang unang larawan sa kwarderno.  Ang nakangiting mukha ni Selene,  sa kanyang palagay 12 years old pa lang ito ng kuhanin ang larawang iyon. 

"Teka ngaElekto.  'Wag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko ha?  Are you obsessed with Selene? "

Naistatwa naman sa kinatatayuan si Elekto.  Isang makamandag na kuryente ang naramdaman niyang umiikot sa kanyang sistema.  Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"That was in the past,  hindi na ngayonNagsisimula nang maghilom ang puso ko, kaya 'wag mo na sanang sabihin pa ang pangalan niya. " cold na sabi nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. 

"Kung iyan ang gusto mo,  sana lang totohanin mo 'yan, " ani ni Avrolou bago naglaho muli.  Napabuntong hininga naman si Electo. 

Gusto na niyang makalimot,  ayaw na niyang manatili pa sa nakaraan na ang dulot lang sa kanya ay pighati sana dati pa siya namulat sa katotohanang hindi talaga sila ni Selena para sa isa't-isa,  na nakatadhana lamang sila upang magkita  at hindi ang magsama habambuhay. 




_____

Nakapokus ang mga mata ng lahat sa mga Elemental Royalties na bagong dating kapansin-pansin ang isang dalaga na nakasuot ng puting gown. 

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now