CMA54: Meet The Parents

2K 50 1
                                    

CMA54: MEET THE PARENTS



__———__

HINDI MAIPAPALIWANAG ng kung anumang salita ang damdaming nadarama ni Clarice ngayon. 

Kasalukuyan siyang binibihisan ng mga katulong habang nakangising nakatingin sa kanya si Abbie sa 'di kalayuan. 

Hindi niya akalaing dadating ang araw na makikilala na niya muli ang mga magulang ng lalaking bumihag sa kanyang puso. 

Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na susurpresahin siya nito sa napakasensitibong bagay. 

Sino ba ang hindi natataranta kung makikilala at makakausap ang mga magulang ng isang prinsipe na kasalukuyang namumuno sa isang tanyag na kaharian.

Kung iba lang siguro ang nasa sitwasyon niya ngayon ay nanginginig na ito sa kaba dahil sa mga negatibong eksena na sumasagi sa kanilang isip. 

Buti na lamang eksperto siya sa pagtago ng damdamin walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha maging sa mga mata.

Sa tuwing nahahagip ng mga mata ng mga katulong na nag-aasikaso sa kanya ang kanyang mukha ay agad nilang inaalis ang tingin. 

Nahahambing nila ang ekspresyon nito sa kanilang prinsipe,  tulad nito.  Wala itong ekspresyon na pinapakita ngunit hindi matatangging magiging tanyag itong hari sa pagdating ng tamang panahon. 

Natutuwa sila dahil binigyan sila ng pagkakataon na bihisan ang susunod na reyna ng kanilang nasyon. 

Mula ng pumasok sila sa silid ng bisita ay hindi na naalis ang ngiti sa kanilang mga labi. 

Ngunit ang kanilang pagtataka kung ano ang ginagawa ng isang napakagandang babae sa kwarto ng bisita?  Kanina pa ito nakangiti habang pinagmamasdan ang kanilang bisita pawang nag-uusap ng mga kumikislap na mga mata ng dalawa. 

"Hindi ko akalaing mauuwi sa kasalan ang pag-iibigan ninyo, " bulong ni Abbie. 

Hindi nahagip ng mga tainga ng mga katulong ang kanyang sinambit. 

Napangiti siya ng napakalawak bago nagdesisyong umalis na sa kwarto walang paalam niyang nilisan ang silid ng prinsesa. 

Sigurado siyang isip-isip ng mga katulong na nakakawalang galang niya dahil hindi man siya nagpaalam kahit na kay Clarice man lang.  Ngunit wala siyang paki sa mga sinasabi o pinagsi-chismisan ng mga ito.

May mga bagay pang mas mahalagang intinidihin kaysa sa mga sinasabi ng ibang tao sa'yo.  Ang dapat mo na lamang gawin ay manahimik kahit na lubhang nakakasakit na ang mga salitang sinasabi nila ukol sa iyo.  Hindi ka tulad nila na mala-hayop ang pagkatao,  pare-parehas lang naman kayo nilalang sa mundo ngunit sa kanilang paningin ay isa kang basura na pakalat-kalat.  Nasaan ang hustisya roon? 

Nanlaki ang mga mata niyang pinagmasdan ang litrato ng isang lalaki sa isang napakalaking portrait. 

Hindi mapigilang mapangiti ng pagak ni Abbie nagsimula ng ngumilid ang luha sa kanyang mga mata.  Inaalala niya ang mga oras na pinagmamasdan niya ng kuryosidad ang mga namumuno sa iba't-ibang kaharian. 

Naging hobby na niya ang kilatisin ang mga mamumuno atsaka iisip kung may mabuti ba itong maidudulot sa panahon na inalagaan upang mamuno rito. 

"Binibiningayon lamang kita nakita sa aking kaharianIkaw ba'y isang dayuhan? " tanong ng hari kasama nito ang reyna. 

"Magandang umaga mahal na hari't reyna,  totoong bago lamang ako rito.  Ito ang pinakaunang pagkakataon ko sa inyong palasyo aking inihatid lamang ang mahal na prinsesa ng Elemento.  "

"Ah..  Si Reina kamo?  " nakangisi ang hari. 

Sinaway naman siya ng reyna dahil nakakatakot pagmasdan ang itsura nito,  dahilan ng reyna bago 'daw' matakot siya at hindi na bumalik pa. 

"Tulad nga ng inaasahan sa inyo mahal na hari,  sa panahong ikaw ay namumuno sa Fire Kingdom naging masagana ang inyong kaharianpalangiti at may galang ang mga taong nasa ilalim ng inyong pamumuno.  At nabihag pa ang iyong puso ng isang kahanga-hangang dalaga

Makulay ang inyong naging papel sa kasaysayan ng inyong pamilya nagagalak ako na magpahanggang ngayon ay ang pamilya ninyo pa rin ang namumuno at wala ng iba

Bilin ko lamangsa ilang daang taon na nabubuhay ako mundong ito isang bagay lamang ang napagtanto ko,  makakayang lagpasan ng pag-ibig ang kahit na anong balakid na hahadlang rito kung tunay at walang bahid ang inyong pagmamahalan

I am honored na nasaksihan ko iyan ng ilang dekadangunit ngayon ay oras na upang ang anak naman ninyo,  na si Ace Firo Flamedrake ang humanap ng sa kanya

Hindi sa may kinakampihan ako o inuutusan kayo ngunit nakakasigurado akong si Reina Evangeline ang para sa kanya

Nakasulat na ito sa tadhana,  bago man sila ipinanganak sa mundo ay nakasulat na sa kanilang kapalaran ang nangyayari ngayon,  kung iyong kikilalanin lamang ang mahal na prinsesa sinisigurado ko sa inyo. 

Hindi kayo magsisisi, " napatahimik ang dalawang maharlika habang pinapakinggan ang mga katagang iyon ni Abbie. 

"W-who are y-you? " naguguluhang tanong ng reyna. 

"The goddess of Special Abilities,  Abbie the one and only.  Paalam na at maligayang buhay sa inyo,  your highnesses, " bahagyang nagbow pa ito bago nawala sa kanilang harapin. 

Naiwang nakatunganga ang dalawang maharlika hindi kayang iproseso ng kanilang utak ang nangyari.  Hindi sila makapaniwalang nakilala at nakausap ang isang dyosa. 

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now