CMA45: The Gown and the Elevator Guys

2.8K 66 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

----------

IT'S BEEN TWO WEEKS SINCE CLARICE PUNISHED AVROLOU AND ELEKTO. 

Walang buhay na kinatitigan ng mga prinsesa ang tatlong papel na iisa lang ang ipinapahiwatig. 

Ilang minuto na rin ang lumipas matapos nilang madatnan ito na nakalapag sa night stand nila sa dorm.   Unang sumalubong sa mga dalaga ang nakakabulag na dekorasyon sa papel agad mo ring makikita ang pagkalaki-laking Masquerade Ball sa papel pinarisan pa ito ng babae at lalaking naka-formal na kasuotan,  nakapose ito ng pawang nasa kalagitnaan ng pagsasayaw ang dalawa.

Maliban rito nakalagay rin ang petsa at oras rito. Unang nagkatinginan sina Airy at Ertis kapwa nagliliwanag ang kanilang paningin pawang nananabik sila sa ipinahiwatig ng papel na ito. 

Napansin ni Clarice ang tingin ng mga kasama, parang robot siyang lumingon sa dalawa at agad naman nakumpirma ang suspetsya ng prinsesa.

"Wag ninyong sabihin pupunta kayo? " bulong ni Clarice sapat na para marinig ito ng mga kasama. 

Sabay namang tumango ang dalawa,  walang anu-ano'y hinila nila si Clarice pababa.  Kahit anong pumiglas ang gawin ng dalaga hindi pa rin siya makawala sa hawak nila Ertis at Airy. 

'TulongAyaw kong maging mannequin ngayong araw! '

Ani ni Clarice sa sarili.  She mentally pity herself. 

Kung alam lang sana niya na mangyayari ito ay sana tumambay muna siya sa library nila atleast doon walang basta basta maghihila sa kanya para magshopping sa kung saan. 

Naging gano'n ang itsura nila hanggang sa elevator ng dorm.  "Excited na ako!  Magkakaroon na rin tayo ng dahilan upang magshopping buong araw, " nagsitalunan ang dalawang prinsesa samantalang si Clarice ay parang namatayan.

'Ano bang maganda sa pamimiliDiba hirap lang sa pagbubuhat 'yon?  Tapos maduduling ka pa kakatingin sa mga produkto! ' Ani ni Clarice sa sarili. 

She can't help to frown,  biglang bumukas ang elevator sa isang palapag. Tumabi ang mga dalaga sa isang gilid upang bigyan ng espasyo ang mga kalalakihang balak makisabay sa pagbaba ng elevator.

Hindi pa nila nakita ang mga ito,  mukhang mga exchange students ang mga lalaki dahil sa uniform nito na black at red malayong malayo sa suot ng mga Craxelians. 

Pansin rin ni Clarice ang aura na pumapaligid sa mga ito,  nakakatakaw pansin para sa dalaga ang lalaking may eye patch kita mula rito ang maliit na bahagi ng peklat na ayon sa kanyang suspetsya ay galing sa isang matalim na bagay. 

Mukhang napansin rin ito ng lalaki,  nagkatinginan ang dalawa. Mata sa mata,  walang may balak na bumitaw sa tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawa. Samantalang ang mga kasama naman nila ay naliligo na sa sariling pawis dahil sa taranta.

Napangisi ang lalaki kay Clarice tsaka humarap sa pintuan ng elevator sakto namang bumukas ito. 





------

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now