CMA61: AVROLOU.. IS YOUR NAME?

1.7K 37 8
                                    

CMA61: AVROLOU..  IS YOUR NAME? 

ELINE'S POV


--------



Isa.  Dalawa. Tatlo.  Binato ko ang bato.  Apat. Lima.  Anim.  Ito ay umitim. Pito.  Walo.  Siyam.  Ito ay lumiwanag ng parang munting bituin sa kalangitan.  Sampu.  Ito ay naging abo. 

"Tigilan mo nga ang paglalaro ng lava rocks,  Eline.  " bulyaw na na namin sa'kin ng aking familiar. 

"Luh~ wala naman kasi magawa eh.  At isa pa iiwanan mo na naman ako rito,  ano pa nga ba ang magagawa ko aber?  Di naman ako pwedeng mangaso kasi baka may makakita sa akin na puno ng dugo baka sabihan pa ako ng halimaw! " wala na akong pag-asa kundi ang magmaktol upang payagan na niya akong mamasyal sa bayan.  "Sleep,  para bumilis kang lumaki, " he suggested. 

Dalawang beses ko siyang inirapan at binato pa ang isang malaking lava rock.  "No!  Ayaw ko nga,  mapapanaginipan ko na naman ang lalaking iyon. " pagtatanggi ko.  Napakamot naman siya sa leeg.  He took a deep breath then release it.  "Okay,  uuwian na lang kita ng pasalubong basta magpakabait ka rito ah?  Wag mong kakalimutan na pakainin si Rin-rin! " paalala niya sa akin bago maglaho.  Well,  nagkatawang tubig lang naman siya tsaka nagteleport. 

Tango na lang ang naging tugon ko kahit na alam kong hindi naman niya nakita iyon.  Si Rin-rin,  anong papakainin ko sa kanya?  Hindi naman pwedeng bato kasi.. Err..  Pa'no ko ba 'to iisipin? Baka mapatay pa siya. 

Waetras are really sensitive. 

Rin-rin was so hopeless the other day,  pagbalik namin ni Raine dito sa Devarga.  Hinarang niya kami sa daan kung saan namin siya iniwan.  Pilit niyang sinasabayan sa paglakad si Raine tapos kapag tatakbo naman ang aking familiar humihiyawb siya ng.. 

"I-mik, I-mik! " gosh!  Kailan pa natutong magbukas ng pinto ng waetras? "Rin-rin,  ba't ka narito? Nagugutom ka na ba? " tanong ko. 

Tinignan lang ako nito ng parang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko. I mentally slapped myself because of my stupudity.  Stupid Eline!

"Yo Van Shi Ve La Ito? " tanong ko ulit,  " Rin I-mik, I-mik! " (Rin hungry,  hungry!) tugon naman nito. 

Kinapa ko ang bulsa ko,  kinuha ang isang maliit na pakete ng pinatuyong mais at isinubo sa mumunting nilalang.  Lugod naman nitong tinanggap ang mais ngunit di kalaunan ay isinuka rin. 

Nagsalubong ang aking mga kilay.  Inilapag ko ang aking mga tuhod sa malinis na sahig,  kinarga ng pawang sanggol ang waetra at pinasuso ng tubig gamit ang lalagyan ng gatas ng pang-bata.  Sabi ni Raine,  isang sanggol pa ang natagpuan naming Waetra,  hindi pa nito kayang mabuhay ng mag-isa.  Nalaman ko ring, isa ang Waetra sa kanyang nilalang.

"Iya do ro ila yas," (tara, samahan mo ako sa labas.) sabi ko sa Waetra na nakapukaw ng pansin nito.

Inilapag ko ang dede-an niya sa lamesita at kinarga siya palabas. Habang kami ay naglalakad, pinili kong dumaan sa mga puno ng mansanas baka ito ang kanyang kinakain. Pumitas ako ng isang mamula-mulang mansanas.

Pinakagat ko ang Waetra nito, napahinga akong ng malalim ng isuka niya sa mukha ko ang mansanas.

This creature is getting on my nerves!

Pinakalma ko ang sarili at pinagpatuloy pa ang paglalakad, dahil nakatuon ang aking pansin sa mga puno na aking nadadaanan.

Nawala ang aking isip sa direksyon huli na nang mapagtanto kong masyado nang masukal ang aking nalakad papaloob ng gubat. 'Nasaan na kaya ako?' sabi ko sa sarili..

Kakaiba rin ang kagubatang ito, napaka-yaman sa iba't-ibang klase ng halaman. Napaka-lusog siguro ng lupa rito?

Sinimulan kong tahakin taliwas sa tinahak ko kanina umaaasang makakabalik ako sa may mga punong mansanas. "I-mik~" ani ni Rin.

I pat her head at ngumiti rito. Mahimbing siyang natutulog sa kabila ng situwasyon namin ngayon. Sa totoo lang, hindi naman ako natatakot na maligaw sa kagubatan.

Dahil hindi ko naman kailangan na kumain tatlong beses isang araw,  ayon na rin kay Raine. Ngunit ang inaalala ko ang kasama kong waetra.

Kailangan ng risestensya ng kanyang katawan upang lumaki, 'di tulad ko ay tumatanda ng parang isang normal na tao at walang basehan ang paglaki.

Pinagaan ko ang gravity sa ilalim ng aking paa dahilan upang lumutang ako sa ere, kinontrol ko ang hangin sumunod nito ay ikinumpas ko ang isang kamay upang hawirin ang mga puno na natatakpan ang daan palabas.

Kinabisado ko ang daan palabas ng makita ko ito.

Maraming mangangaso ang nasa loob ng kagubatan kaya limitado lamang ang aking paggamit ng majika. Hanggat maaari ay dapat na kumilos ako ng normal.

Mahigpit na bilin sa akin iyan ni Rain, at ayaw ko siyang suwayin. 

Pinagpatuloy ko pa ang naantala kong paglalakad habang karga ang natutulog na Waetra, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong klase ng halaman ang kanyang kinakain.  Isa kayang carnivore ito? 

Geez,  that will be creepy. 

Mukhang natuon ang buong atensyon ko sa daan dahil hindi ko naramdaman ang isang presensya sa aking likuran.  May pangahas na humawak ng aking balikat. 

Hindi agad ako lumingon sa nagmamay-ari ng kamay.  Gamit ang kanyang kamay,  ipinaharap niya ako sa kanya.  Isang lalaki na naka-kostyum na pirate ang sumalubong sa aking paningin. 

Nakangiti siya ng wagas ngunit puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.  "Mukhang naliligaw ka munting binibini.  " komento niya. 

Tumango na lamang ako kahit alam kong hindi na ako naliligaw dahil nakabisado ko naman na ang daan palabas.  "Maaari kitang tulungan diyan, "

Lumitaw ang isang Light sceptor sa kanyang kaliwang kamay,  ikinumpas niya ito at lumabas ang isang imahe.  Ang nakita ko kanina nang hawiin ko ang mga puno. 

"M-maraming salamat ginoo sa iyong tulong. " pagpapasalamat ko.  Kating-kati na akong umuwi. 

"Tawagin mo na lang akong Avrolou, at walang anuman. " ngumiti uli siya ngunit ngayo'y isang totoong ngiti ang kanyang ipinamalas. 

Ngumiti rin ako kay Avrolou,  "Call me Evangeline Rin,  but my familiar calls me Eline!  Nice to meet you. "






----------

NEXT CHAPTER -----

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now