CMA47: Everything Had Changed

2.6K 51 0
                                    

CMA47: EVERYTHING HAD CHANGED

THIRD PERSON'S POV

-----

MULA SA 'DI KALAYUAN nakamasid ang isang lalaki.  Napangisi ito pagkatapos masaksihan ang pagtatapat ng prinsesa't prinsipe sa isa't-isa.  Dahil rito,  mas mapapadali ang kanyang misyon. 

"Clarice,  oh my sweet princess. . . You are about to meet your nightmare, " sambit nito bago umalis. 

Dala-dala ang isang kwintas,  kwintas na sa kanyang palagay ay magiging susi upang matagumpay niyang magampanan ang kanyang nais. 

Ang matagal na niyang hinihintay na makuha.  . .




-----

Huminga ng malalim si Clarice bago buksan ang malaking double door sa kanyang harapan.  Dahil sa oras na buksan niya ito,  magbabago na ang lahat. 

Hindi lang Devarga ang kanyang responsibilidad pati na rin ang kanyang hinaharap. Tandang-tanda pa niya,  noong nga panahong nagsisimula palang siya sa pag-eensayo bilang isang goddess dalawang bagay lamang ang nakatatak sa kanyang isipan. 

Una,  ang makaganti sa mga dark crexel user na pumatay sa kanyang tita at naging daan upang tuluyan ng magbago ang kanyang mundong ginagalawan. 

At pangalawa,  ang maipagtanggol at mabalik sa balanse ang Devarga.  As a goddess,  that is her first priority.  Lalo na't she's new to the job wala pa siyang nabubuong adhikain.

Kung kaya't hanggat hindi pa niya natutuklasan ang kanyang silbi ay pipilitin muna niyang ipagtanggol ang Devarga at maghiganti. 

Ngunit sa kanyang pagpasok sa Akademya,  marami ang nagbago sa kanyang pananaw.  Muli niyang naramdaman ang mainit na sensasyon sa kanyang puso.  Ang kabutihan na umiiral sa kanyang kalooban,  ang pagning-ning ng araw sa kanya. 

Dahil iyon sa Elementl Royalties only god knows how she treasures them.  Buti na lang ay natagpuan niya ang mga ito kung hindi ay baka naging halimaw na siya tulad na lang ng sinabi niya. 

Muntik na siyang mapatalon ng may kamay na humawak sa kanyang likuran,  napalingon siya sa nagmamay-ari nito.  Unang sumalubong sa kanyang paningin ang ngiti ni Ace. 

"Shall we go,  my queen, " tanong nito. 

Napairap na lang si Clarice habang pinipigilang mag-blush sa harap ng prinsipe. 

Sandali niyang pinagmasdan ang mukha nito,  sino ba naman ang mag-aakala na sa paglipas ng humigit kumulang isang dekada ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana? 

Aaminin niya,  si Ace lang ang lalaking nakapag-patibok sa kanyang puso ng ganito. Kahit gaano pang karami na lalaking kayang nakikila ay ni isa sa mga ito ay napa-ibig siya.  Sa kanyang palagay,  napakapihikan ng kanyang puso. 

Ngunit sa kabila nito,  napahanga rin siya nito.  Dahil kahit nakalimot na ang kanyang isipan ay hindi pa rin nagpaimpluwensya ang kanyang puso.  Nagpatatag ito at naghintay na makita muli ang itinakda para rito. 

Napahawak siya sa kanyang dibdib,  tumitibok ito ng napakabilis ang pamilyar na sensasyong nararamdaman niya sa tuwing nasusulyapan ang prinsipe. 

It was a bit cliche— well it is cliche,  isang cold na babae maiinlove sa cold/ serious na lalaki 'tas sa kanilang pagsasama ay mababago nila ang isa't-isa. Pero wala siyang pakealam sa kahit anong sabihin ng iba.

"You do realize na nandito rin kami?  Or baka akala ninyo ay hangin lang kami na nakagown?  What the heck isa that? " pagkuha ni Ertis sa pansin ng dalawa. 

".  . At nakatuxedos" dagdag pa ni Kenth. 

Masamang nagkatinginan ang dalawa mukha silang aso't pusa pati na rin si Airy na nasa gitna nila ay pawang nakukuryente sa paraan ng pagtingin nila sa isa't- isa. 

Parang may kuryente na nakakonekta sa mga mata nila at kapwa tumatama ito sa kawawang prinsesa ng lupa. 

"Kailan ba kayo magbabago?  Malapit na tayong magtapos," nawawalan ng pag-asang ani ni Watt. 

"Sige kayo, kapag nagpatuloy pa 'yan baka maisipan ng mga magulang ninyo na ipasakal—este ipakasal kayo sa isa't isa ika ng nila the more you hate the more you love," pagbibiro ni Airy ngunit nagresulta lamang ito upang mas lalong tumindi ang tinginan ng dalawa.

"K-kayo naman hindi kayo mabiro bagay nga kayo. . " sinadya ni Airy na hindi iparinig ang bandang huli niyang sinabi. 

Nahinto lamang sila ng bumukas ang malaking pintuan sa gilid nila,  napagtanto nilang nauna ng pumasok sina Clarice at Ace. 

Napangiti ang mga prinsesa't prinsipe kapwa pinagmamalaki ang dalawang kaibigan,  marami nang nangyari sa kanilang pananatili sa Academy. 

It was a fun experience,  but sadly it will end.  Ipinaalam sa kanila ni Elekto na nalalapit na ang digmaan sa bawat oras na lumilipas ay mas lalong napapalapit ang gyera walang kasiguraduhan kung lahat sila makakaligtas ng buhay kahit gaano pa sila kalakas ay meron pa rin silang kanya-kanyang kahinaan. 

"Sumunod na tayo! " yaya ni Ertis nauna na itong humakbang papalapit sa pintuan they took a deep breath before opening the door. 





____

Dedicated to you! 

Happy Birthday ( whenever that is. . )




Please do VOTE,  COMMENT OR SHARE my story it would be highly appreciated. .





‹‹Stef__12››

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now