CMA57: The Battle Of The Sinners

2.1K 45 4
                                    

CMA57: The Battle Of The Sinners


CLARICE'S POV


------------

HALATA ANG PAGKAIRITA NG MGA KASAMA NI AIRY na ngayo'y pawang walang muwang na nakatingin sa bato na napapatakan ng tubig. 

Napakamot naman sa batok si Watt sabay padyak sa sahig.  "Airy naman kung wala kang matinong magawa tumahimik ka na lang,  hala!  Magsama nga kayo ni Ertis, " pagdadabog nito. 

Hinawakan naman siya sa balikat ni Kenth habang tinitignan siya ng 'tama-na-look'.  He rolled his eyes at his friend. 

"Tsk.  " 'yan lamang ang naging komento ni Ace sabay lapit sa pwesto ni Clarice na noo'y napapalayo na sa kanila.  Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at pinisil ito dahil upang maistatwa sa kinatatayuan si Clarice.  Wala sa sariling napalingon siya sa prinsipe na abala sa pag-ekspeksyon ng paligid. 

Hindi nito alintana ang dilim ng kapaligiran dahil mukhang sanay na ito sa kadiliman. 

Agad namang binawi ni Clarice ang tingin ng mamataan na papalingon sa kanya ang iniirog.  Napangisi lang ng nakaloloko si Ace.  Gusto niya ang reaksyon nito sa kanyang presensya.  Nakaka-boost ng confident lalo pa't they are secretly engaged kahit pa umayaw si Clarice o hindi Ace will make sure na sa huli siya rin ang masusunod. 

Hindi na niya papakawalan muli ang babaeng hinintay niya ng halos isang dekada masyadong mahabang panahon na rin ang kanilang nawaldas. 

Ngunit salamat sa tagapaglikha dahil nabigyan na sila ng pagkakataong magkakilala't magsama muli pinapatunayan lamang nito na para talaga sila sa isa't-isa. He won the game between him and Raine,  ayaw niyang saktan ang babae at mapunta pa ito sa kababata. 

He don't want that to happen kaya ipaparamdam niya ng buong-buo ang kanyang pag-ibig sa dalaga hanggang sa huli niyang hininga. 

"Guys,  shut up and walk.  " walang emosyon na ani Clarice bago maglakad muli.  Nagsitakbuhan naman ang kanilang mga kasama papalapit sa kanila.  Rinig ang pagsisi ng mga ito kay Airy na kanina pa nakikipag-sagutan kay Watt o di kaya'y Ertis. 

Ilang minuto pa ang dumaan naging tahimik na silang lahat dahil sa pagsaway sa kanila ni Ace with matching deadly stare pa. 

Natikom agad ang kanilang mga bibig at bahadyang nanginig ang mga tuhod laking pasalamat na lamang nila at inalis na ni Ace agad ang tingin sa kanila at muling nagpokus sa pagtingin sa mukha ng iniirog nito na si Clarice. 

Minsan pa ay inalalayan pa ni Ace si Clarice sa paglalakad kahit hindi naman kailangan kumbaga hokage moves lamang niya ito upang pasimpleng mayakap o gumawa ng skin contact sa kaniya. 

Hindi naman ito pinapansin ng dalaga sa halip namumula ang buong mukha nito minsan pa nga ay nilalayo niya ang sarili sa prinsipe upang iwasan ang pagtama ng kanilang mga balat ngunit sadyang matigas ang ulo ni Ace kaya lumalapit ito sa kanyang kinaroroonan. 

Hindi naman magkamayaw sa pagpigil ng tili at paglikha ng tunog sina Ertis sa kanilang likod.  Mukhang naiihi na ang kanilang ekspresyon matalim naman pinatitigan nina Watt si Ace pawang pinag-aaralan ang mga 'the moves' nito at gumagawa na ng estratehiya upang gawin rin iyon sa kani-kanilang napupusuan. 

Dahil likas na taksil ang mga bibig ng mga dalaga kumawala ang isang matinis at may kalakasang tinig ni Ertis.  Buti na lamang abala ang dalawang 'yelo' nilang mga kaibigan sa lovelife ng mga ito. 

"Geez,  gusto kong magkaroon ng mala-Ace Flamedrake, " kinikilig na pahayag ni Ertis.

"Tsk.  Bakit pa tulad niyang lalaki e meron namang iba dyan na matagal nang umiirog sa iyo. " bulong ni Kenth sa tabi sabay hagikgik. 

Craxel Magicai Academy: The Unique OneWhere stories live. Discover now