Tips

2.3K 32 1
                                    

Tips to know na hindi ka bet ng bet mo online.

Paano mo malalaman na hindi ka bet ng pinopormahan mo online?

1. 8pm palang, sasabihin niya na sayong matutulog na siya. Pero kapag chineck mo active friends mo, online pa rin siya. (Check the twitter, nakakapag-tweet pa 'yan. Lol.)

2. Puro siya post at share ng mga sawi posts. (Hindi siya crush ng crush niya, bitter pa siya sa ex niya, may kinababaliwan siyang iba. </3)

3. Kapag mag-kachat kayo palaging one word ang replies niya. Walang emojis, walang emosyon, basta masagot niya lang yung tanong mo. Oo o hindi lang, swerte mo kapag may tanong na, "Ikaw ba?".

4. Never siyang naglike ng post mo. Samantalang ikaw, lahat ng photos sa 6 albums niya na may lamang 208 pictures each, ni-like mo na.

5. Never siyang nag-initiate ng conversation. Online ka, online siya. Kung hindi mo ipi-pm, dedma.

Lastly, Hindi siya gaanong nagtatanong tungkol sayo. Bakit? Kasi friend, hindi siya interesado. Wala siyang pake sa buhay mo, wala siyang pake sa araw mo, kasi hindi ka niya gusto.

Pasalamat ka nalang kung hindi ka ibablock at iuunfriend dahil sa sobrang annoying mo.

Pero alam mo yung pinakamasakit? Yung akala mo may mutual understanding na kayo tapos bigla mo nalang makikita sa Newsfeed mo,

"Crush is In a relationship with......"

Sakit, bro! Alam na alam ko. Hahahahuhuhu. 😭

Peterpan
2011
ITHM
FEU Manila

FEU Secret FilesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum