Imagination mo ang Limit

1.4K 36 3
                                    

Imagination mo ang Limit

Sana Mapost to kase Mageefort akong mag-type dito bes eh. XD

So ayun na nga. Alam niyo ba? Syempre hindi pa , kaya nga ikekwento ko eh. Hihi.

May Tindahan kasi kami. Tapos may-isang lalaki , Gwapo bes. Hindi naman sa mahilig ako sa gwapo pero mahilig talaga ako sa gwapo eh. So ayun na. Nagpaload siya bes! Globe yung num. Di ko lang alam kung sakanya yung number eh. Tandang tanda ko pa na 0916 yung mga unang number. Tapos syempre kabado ako. Gwapo eh. 😂 Tas putek. Alam niyo yung feeling na Maingay talaga ako? As in Maingay talaga! Tas nung nagpaload si koyang foge taina bigla akong naging mahinhin bes. 😂 di ko alam kung sinasapian ako ng kabaitan nun or ano eh. Maputi siya tas mukha talaga siyang koreano pramis! Tas yung mata niya medyo singkit may nunal siya sa bandang mata tapos yung buhok niya may kulay na di ko alam kung ano yung saktong kulay eh may pagka-brown na gray ganun? Basta bes! Mala fictional character ang mukha ni koya! So ayun. Pagkatapos niyang magpaload kinuha ko yung number niya , tZeiinext ko.. Nag Hi ako tas tinanong niya kung sino ako. Sabi ko kakakita mo lang sakin di mo na ako kilala? Oo baliw na kung baliw. 😂 Wala eh. Tapos ayun na. Naging magkatext kami hanggang sa naging magbestfriend kami. Tas alam mo yung feeling na ang Manhid niya? Potek. Sarao sakalin eh. Tas bago pa ako matulog nag go-goodnight pako sa kanya tas may hart hart pa tas reply niya "sige nyt" walanjo ay kennat! 😭 Sayang eport ng ate mo. Tas ayun nagtaka ako kasi mismong birthday ko hindi niya ako binati , kainis lang di ba? Tas ewan ko kasi yung mga kaibigan ko biglang nag-yaya na treat daw nila ako celebrate daw kami sa jollibee. Walanghiya ginawa ba naman akong bata? Pero nagtaka ako kasi nga bigla silang nagyaya. Eh mga kuripot yung mga baliw na yun eh. So ayun gumala kami tas pagkatapos pupunta palang dapat kaming sinehan bigla na silang nagyaya pauwi.pabitin ang mga bruha tae gusto ko panaman manuod ng sine. Psh. Tapos nung pauwi na kami naiinis parin ako sa bestfriend ko kasi nga di padin siya bumabati sakin. Tsk. Tas nung malapit na kami sa bahay nagkekwentuhan kami sa daan tas napansin kong patay ilaw ng bahay namin tas ayun na papasok nako ng bahay , nagtaka ako kasi pagbukas ko ng pinto ng bahay sumigaw sila ng "HAPPY BIRTHDAAAAY!!" Di ko alam kung matutuwa ako o magagalit eh lam mo kung bakit? Syempre hindi pa. Kasi nga taina! Magsusurprise nalang sakin angchoga pa nung mga design. Yung tarpolin na may picture ko yung backround niya mga ulap tas mga puting ibon taena ginawa ba naman akong patay? Tapos yung mga kaibigan ko bibigyan nalang ako ng bulaklak yung boquet na puting rosas pa. Walanjo. Tas yung bestfriend ko hinila ako sa kwarto ko. (Yung foge yun ah? Yun .naging magbestfriend na kami.) Pagkakita ko tae bes! Muntik nako maiyak! Buti naluha lang ako. Tas biglang sabi niya pwede bang manligaw? Yung nasa kisame may mga lobo tas may mga nakalambitin na parang yarn na may mga picture namin sa pinaka buntot ng yarn. Tapos sa higaan ko naman may roses na nakashape sa heart tapos sa gitna nung heart may mga chocoleyts. Walanghiya alam niya talagang pataygutom ako. Tapos sa upperpart ng mga roses may mga teddy bears na malaki tas may maliit haha. Wala ang cute lang. So ayun sinagot ko siya tas magtwo-two years na kamj. HAHAHA. May narating yung pagiging malandi ko.

Pero syempre di totoo yan
Potek ang saya kasi mag imagine eh gusto ko lang ishare sa inyo. .


Zein
2017
FEU Manila

P/s: Ako talaga to eh. HAHAHAHA

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now