Klepto

859 11 0
                                    

Klepto

Akala ko ganon nalang akong makakalimutin kaya palaging nawawala ang pera ko. Iniisip ko nalang na siguro may binili lang ako na hindi ko na matandaan, o baka nalaglag nang hindi ko namamalayan.

Hindi lang ako nawalan ng pera once, not twice, not thrice, but seven times sa mismong kwarto at hindi lang pera, pati mga singsing, hikaw, at mga branded na damit, ni ultimo spam na pabaon sakin ng magulang ko nawawala sa cabinet ko. Pero okay lang yung gamit eh. Iniisip ko nalang na baka naiwanan ko sa bahay namin o sinungkit sa sampayan, pero hindi ako mag-wawalang bahala sa pera.

Palagi akong nag-iimbento ng excuses dahil ayokong mambintang. Ayokong pagbintangan ang bestfriend ko dahil alam kong hindi niya magagawa sakin yun. But guess what, mali ako.

Palagi akong nawawalan ng pera sa bag, sa bulsa ng palda ko na nakasabit sa cabinet, sa wallet ko na nakapatong lang kung saan sa kwarto. Naging careless ako sa pera ko dahil never sumagi sa isip ko na hindi pala safe na iwanan ko ang gamit ko sa kung saan lang dahil malaki ang tiwala ko sa bestfriend ko/roommate. Pero nung sunud-sunod na, dun ko na narealized na tinatraydor na ako. Kaya pala kapag nawawalan ako ng pera, saka dumadami ang pera niya. Bumibili ng kung anu-anong damit at gadgets, tumatambay sa bilyaran sa P.Noval at Beda hanggang madaling araw kasama mga lalaki niya. Minsan nililibre ako dahil madalas wala akong pera dahil ninanakaw niya nga, sobrang thankful pa ako nun sa kanya pero yun pala, pera ko rin ang ginagastos niya.

Gusto kong mahuli siya sa akto dahil ayokong mambintang ng walang ebidensiya. Alam ko ang ugali nun. Ako na nga ang biktima, siya pa yung magagalit sakin if ever. Kaya gumawa ako ng pain.

Inilagay ko yung wallet ko na may lamang 500 sa harap ng vanity mirror namin sa kwarto. May binili siya nun sa labas at galing naman ako ng FEU. Sinet-up ko ang videocam ko sa loob ng bag ko at lenses lang ang nakalabas. Inistart kong mag-record nung nakita ko sa bintana na papaakyat na siya ng condo.

Nagtalukbong ako ng kumot.

Ipinatong niya yung binili niyang ulam sa lamesa. Tumayo siya nang halos tatlong minuto sa gilid ng kama ko, pinagmamasdan kung magigising ako. Paikot-ikot siya sa kwarto hanggang sa tumambay na siya dun sa vanity mirror. Nagsusuklay-suklay ng halos dalawang minuto. Lumingon sandali sa akin at dun niya na sinimulang kalkalin at kunin ang pera ko sa wallet.

Nung pumasok na siya sa banyo para maligo, dun ko na pinatay ang videocam. Pinanood ko hanggang sa lumabas na siya sa banyo.

Sabi niya, "Oh aga mo nagising ah! Wala palang ulam, bili ka nalang sa labas."

Ako: Paano ako bibili sa labas e ninakaw mo na pera ko?

Siya: Anong pinagsasabi mo?

Ako: (pinlay ang video sa harap niya)

Hindi siya nakapagsalita ng ilang minuto. Hindi nag-sorry o ano.

Siya: Oh eto pera mo. *binato sa mukha ko yung limang daan* Isaksak mo sa baga mo! Lilimang daan hindi ka makatulog. (Siya pa galit)

Nanggigil ako at pinagsasampal ko sa mukha. Kinaladkad ko palabas ng kwarto at ibinato sa kanya lahat ng gamit niya, sabay sabing, "ANG KAPAL NG MUKHA MO, KLEPTO!!!"

Pinalayas ko sa kwarto dahil ako naman ang originally nakatira dun at yung contract, mama ko ang naka-sign. Sa awa ko, at para na rin sa pinagsamahan, hindi na ako pumayag sa gusto nila mama na idemanda siya at ireport siya sa school nila. Pakunswelo ko na sayo yun.

Kung nababasa mo man 'to kahit hindi ka taga-FEU, sobrang kapal ng mukha mo. Isa kang kahihiyan sa University mo na known sa pagtuturo ng utos ng Diyos. Buti hindi ka nalulusaw dyan. Magnanakaw!

Carla
2014
IABF
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now