Huli sa Tinder

2.3K 37 0
                                    

Huli sa Tinder

Sabi ng not-so-close-friend ko may naka-match daw siyang gwapo sa Tinder na imi-meet niya raw after class. Pinakita niya yung convo and photo nung guy sa iba naming friends.

Sabi ko, "Uy girl, patingin!"

Nung ipinakita niya sakin, hindi ko sinasadyang maibato yung phone niya.

Bakit gan'on, no? Kahit ibinigay mo na yung akala mong best mo, hindi pa rin sila nakukuntento. Yung akala mo okay lahat kasi masaya naman kayo kapag magkasama kayo pero kapag wala ka pala, naghahanap pa rin ng kasiyahan sa iba.

Bakit pa kasi nanliligaw sa babae in the first place kung hindi naman pala sila yung tipo ng babaeng hinahanap niyo? Anong point ng pagiging papansin niyo kung wala naman pala sa kanila lahat ng qualities na gusto niyo? Nananahimik kami, mangungulit kayo, tapos in the end, di naman pala kayo maneneryoso? Mang-gagago lang pala kayo. Ikinapogi niyo ba 'yan? Ikinalaki ba ng ano niyo? Ikinacool niyo?

Nagbabayad pa rin ako sa phone ng friend ko hanggang ngayon kahit ayaw niyang pabayaran sa akin kasi naiintindihan niya yung rason kung bakit hindi ko sinasadyang maibato yung phone niya. :(

PS: Thankful na rin ako na nalaman ko ng maaga na unfaithful yung bf ko. Tho, sobrang sakit at nakakahiya kasi saksi yung mga kaibigan ko kung paano ako ginago.

PPS: Check niyo jowa niyo, baka nasa dating app din yan, di niyo lang alam.

Felicia
2013
IARFA
FEU Manila

P/s: Di ko nilalahat. Pero karamihan talaga ng Lalaki eh. Malalandi! PS: Di ko nga Nilalahat. Wag kang ano HAHAHA.
\(^o^)/

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now