Change is inevitable

1K 14 0
                                    

Change is inevitable

"8 years naging kami. From highschool hanggang sa maka-graduate kami at nagkatrabaho. Akala ko kami na. Akala ko talaga siya na yung The One na makakasama ko hanggang sa pag-tanda eh. Pero akala ko lang pala yun. Nakipag-break siya sa akin kasi may gusto na raw siyang iba, yung ka-officemate niya na lately niya lang nakilala. Waw diba? Nag-resign pa ako kasi hindi ko kayang pumasok nang brokenhearted. Baka maiyak lang ako habang nag a-audit ng employees' payroll. Hahahaha!

Lesson learned: Change is really inevitable, so we have to prepare ourselves with the possibility that someday their feelings towards us might change.

Pwedeng ngayon, two years, three years, mahal ka pa niya. But then... magigising ka nalang na may mahal na pala siyang iba. Sakit nun, pramis. :((((

Masakit, oo. Sobra. As in. Kasi sa part mo napaka-unfair dahil ginawa mo ang lahat para maging constant yung feelings mo sa kaniya, and you believed that they're doing the same thing, but who knows? Mali ka pala. Akala mo magiging faithful siya sayo, akala mo kaya niyang tuparin yung mga pangako niya sayo, akala mo mapapalitan niya rin yung pagmamahal na ginagawa mo, pero sa isang iglap malalaman mo nalang na sa iba na pala niya magagawa lahat yun. Sobrang sakit. </////3

Betrayed na betrayed yung mararamdaman mo. Yung puso mo parang hinati sa gitna. Makakatulog ka nalang sa kakaiyak. Ang hirap tanggapin eh. Sobrang hirap tanggapin lalo na kung siya na yung nag silbing buhay mo sa mahabang panahon.

Pero anong magagawa natin? Susuko ba tayo para sa isang tao? Hindi. What we have to do is to accept the fact that they chose to leave us for somebody else, kasi hindi sila nakuntento sa pagmamahal na naibibigay natin. Once you already learned how to accept it, the next thing to do is to move forward. Ganon lang ang buhay. Tatakbo, madadapa, babangon. Magmamahal, masasaktan, mag pi-PhD, mag ta-travel around the world. Hahahaha."

Karin
2007
IAS
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now