Pahingning Confidence

1.1K 25 4
                                    

Pahinging confidence

"Sa totoo lang naiinggit ako dun sa mga taong sobrang tataas ng confidence. 'Yung tipong magagaling sa public speaking, like reporting, speech, or impromptu. 'Yung may mga hand gestures pa at kayang-kayang kunin ang attention ng audience. Yung hindi nanginginig, hindi pinagpapawisan ng malamig, at hindi nauutal kagaya ko.

Basta kasi public speaking, 'yung kamay ko parang inimbak sa ref ng isang linggo dahil sa sobrang lamig. Tas kapag nasa harapan na 'ko nagsisimula na akong ma-mental block kahit alam ko naman talaga yung sasabihin ko. I just can't handle seeing everyone looking at me, it really makes me shiver. Ewan ko kung bakit ako ganito pero since elementary I hate reporting talaga or anything that has to do with speaking in front of the class like self-introduction and role plays.

I'm trying to get rid of this fear naman but it never works. Alam kong hindi lang ako ang ganito, tara group hug tayo guys.

PS: Natatakot ako sa job interviews dahil baka pumilipit na naman ang dila ko." :--(

Elliana
2013
IAS
FEU Manila

P/s: Huhuhu. Group Huuuug!
⊂(・(ェ)・)⊃

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now