Regret being a bully

727 8 0
                                    

I REGRET BEING A BULLY

The girl that we bullied, called "negra", "kulot-salot" and "baboy" before is now my crush.  Nagkita kami dito sa FEU, pababa siya nang hagdan at inaalala ko talaga kung saan ko siya nakita or nameet before dahil familiar ang mukha niya. Hanggang sa narealized ko na siya yung batang babae na pinapaiyak namin noon. Nakatira lang kami sa iisang compound, umuupa sila ng family niya sa amin. Dati lumalabas yun ng bahay nila na walang panty at may tumutulong sipon. Madungis. Dahil isip bata pa ako nun, kami ng mga barkada ko, I think 8-10 y/o lang kami nun. Palagi namin siyang inaasar at tinatawag na baboy, negra, ita, etc. tapos uuwi siya nang umiiyak.

Tapos yung nanay niya sobrang sungit. Kapag nakita naming umuwi na siya, magtatakbuhan na kami dahil alam naming susugurin kami ng nanay niya. May time pa na isinumbong ako ng nanay niya sa parents ko dahil sa pambubully na ginagawa namin kaya ayun, grounded ako ng isang linggo. Pinalo ako ng papa ko at hindi na pinapayagang lumabas ng bahay. Nabalitaan ko na lang na lumipat na sila.

That's why na-shocked ako nang makita ko siya dito sa FEU. Small world! SHS lang siya, third year college na ako. Walang siyang make-up kaya mabilis ko siyang namukhaan. Yung buhok niya rin kasi naalala ko, kulot na mahaba parang buhok ni Merida sa Brave.

Grabe doi! Sobrang ganda na niya. Transformation from head to toe! Hindi na siya negra, though kulot pa rin siya pero mukha na siyang foreigner kasi sobrang puti na niya ngayon. Hindi na rin siya mataba, sobrang sexy niya. Wala siyang make-up pero napaka-ganda pa rin. Actually, thrice ko na siyang nakikita ngayong sem na 'to. Natatakot akong kausapin siya, baka sampalin lang ako o baka ipahiya eh. Tinry ko siyang i-add sa Facebook at i-chat, nireplyan ako ng who you sabay blocked. Hahahaha!! Na-creepyhan yata sakin.

Kaya be careful who you bully.

Baka yung mga binubully niyo ngayon mag-transform at ma-who you ka rin in the future. Lol.

PS: Pero dahil fighter ako, iaapproach ko siya personally at sana bigyan niya ako ng chance mag-sorry and hopefully *fingers crossed* chance manligaw.

Paul
2014
IE
FEU Manila

FEU Secret Filesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن