Kapatid?

751 8 0
                                    

Kapatid?

Yung kapatid mong hindi marunong mag-bayad ng utang? Yung kapatid mong sinusuot ang mga damit mo nang walang paalam? Yung kapatid mong sobrang damot? Yung kapatid mong pala-utos? Yung kapatid mong mahilig mangurot at manabunot, manuntok, mangutos o mambatok? Yung kapatid mong sobrang tamad, puro dabog kapag inutusan pero mabait kapag may kailangan? Yung kapatid mong nangungupit ng sukli? Yung kapatid mong puro DOTA, palaging naka-headset, may sariling mundo? Yung kapatid mong puro pagawa sa 'yo ng assignments? Yung kapatid mong kada utos mo gusto may bayad? Yung kapatid mong kapag inutangan mo grabe kung mag-tubo daig pa bumbay?

Yung kapatid mong etc. etc.

Yung kapatid mong kahit madalas nagiging sanhi ng badtrip mo, hindi mo pa rin matiis na hindi hanapin kapag inaabot nang gabi sa labas. Kahit madalas masarap isako, nasasaktan ka pa rin kapag nakikita mo siyang nahihirapan. May pake ka pero nahihiya kang ipahalata. Ipakita mo man na matigas ang puso mo kapag kaharap mo siya, hindi mo pa rin maitatanggi na mahal mo siya.

PS: Hello, JM Lo sa STEM Senior High! Love ka ni ate kahit salot ka sa buhay ko. Joke! Pangit mo, labyu.

Erica Pretty
2014
ITHM
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now