Drawing lang naman

1.5K 32 4
                                    

Drawing "LANG" naman

So may nag pm sakin online para mag-pagawa ng portrait. Nag-agree na kami pareho na P1000 na price, matapos siyang tumawad nang tumawad. Rush pa yung gusto niya, 4 days lang yung binigay niya saking timeframe pero sobrang hirap nung pinapagawa niya at kailangan ng mahabang time para gawin. Sobrang demanding niya na dapat ganito, dapat ganiyan. So agree lang ako, client eh. So ayun nga. Kada vacant hours ko sa school, ginagawa ko yung portrait niya. Inuna ko na yung kanya kesa dun sa mga naunang client kasi siya yung nagmamadaling kumuha. Almost hindi na nga ako natutulog para lang matapos yung pinapagawa niya on time.

So third day ng gabi, nagchat siya sa akin.

"Tapos na ba? Pwede bang makita?"

So nagtake ako ng picture WIP pa pero almost done na. Then sabi niya..

"Wow! Ang ganda. Pero puwede bang P300 nalang? Nashort kasi ako eh."

Sabi ko, "Ay hindi po puwede eh. Umagree na po tayo sa P1000, mura na nga po yun."

Sagot niya, "Nashort kasi ako eh. Sige na, P300 nalang. Drawing lang naman yan eh."

Ako: "Hindi talaga pwede, paps. Sumunod ka naman sa pinagkasunduan. Umagree na nga ako sa tawad mo eh."

Siya: "Ay sige di ko na kukunin. Thanks."

Sabay blocked.

P U T A N G I N A N G K U P A L

Sorry for the word. Pagkatapos kong pag pagurang idrawing yung puking inang pagmumukha niya, iba-block ako. Gago amputa. Inopen ko yung dummy account ko tapos sinearch ko FB niya, puta ginamit pang cover photo yung drawing ko na may signature ko pa. Ang tigas ng mukha. Badtrip na badtrip ako puta. Gusto kong tupiin sa walo yung puking inang yon. Pero lesson learned na hindi dapat ako nagbibigay ng picture lalo na kung di mapagkakatiwalaan ang mukha.

Pero dun sa sinabi niyang, "Drawing LANG naman"? Ulol ba u? Alam mo ba kung gaano kahirap mag-drawing ng portrait?Alam mo ba paano namin mga artist pinagpapaguran yang "Drawing LANG" na sinasabi mo? Kung feeling mo madali lang edi sana ikaw na nagdrawing diba?

Saying, "Drawing LANG naman" or offering a cheap ass amount for an artist is rude and insulting honestly. Pero mas worse yung sasabihin sayo, "Libre nalang, parang di tropa eh..." G a g o. I-drawing ko portrait mo pero stick figure hayop ka.

Earl
2012
IARFA
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now