Sparks

764 10 2
                                    

SPARKS SA MARKETPLACE

Sobrang tagal ko nang naghahanap ng laptop dahil kailangang kailangan ko talaga sa school. Nakakasawa na kasi yung kapag may project ako, inaabot ako ng dalawa hanggang tatlong oras sa computer shop, madalas hindi makapag-concentrate dahil sa ingay kaya humihiram nalang ng laptop sa tropa.

One day, after kong bilangin yung ipon ko, pagbukas ko ng Facebook, saktong may nag post sa FEU Marketplace. Nagbebenta ng second hand na laptop, taga-FEU rin. RFS, bibili ng bago. Sakto gusto ko yung tatak at version na binibenta. Walang dents. May free charger at bag. Edi nag comment agad ako, "how much?" Nag reply siya, "Pm sent". Edi ayun, nag uusap na kami nung seller tungkol sa laptop. Kung mabilis bang malowbat, kung naiparepair na ba. Kung may tawad pa ba. Mga ganon. Tinawaran ko, pumayag naman hanggang sa napag-usapan na yung meet-up place and time.

To cut it short, nagkita kami. Infinitea Morayta tapat ng Gate 3. Nauna siya sa meeting place kasi may class ako. Pagdating ko dun hinahanap ko siya. Sabi niya, "Naka yellow shirt po ako, naka jeans and brown short hair". Pagkakita ko, shet (tulo laway), ganda ni ate!!! Kinakabahan ako kausap siya, hahahaha. Edi tinuturuan niya ako kung paano inavigate yung laptop, basta kung anu-ano pa sinasabi niya na hindi ko maintindihan dahil naka-focus ako sa mukha niya. Oo nalang ako nang oo, hanggang sa kinuha ko yung wallet ko para bayaran. Bigla siyang nagsalita, "Bakit nanginginig ka kuya?" Bumalik ako sa ulirat dahil nanginginig talaga ako, sobrang ganda niya kasi kaya nawala ako sa sarili. Hindi ko inexpect na ganun kaganda yung imimeet ko dahil hindi ko tinignan yung profile niya, sobrang busy kasi sa term papers.

To cut it short ulit, naiuwi ko yung laptop. Nakita kong naka-open pa yung mga account niya. Facebook, YT, Spotify, at Google account. Hindi ko hinack o pinakialaman yung profile pero aaminin kong nakibasa ako ng conversation nila nung kaibigan niya. Nakita ko lang nag pop-up yung message sa kaniya na ang sabi, "Nameet mo na yung sa laptop? Ano itsura?", nakita kong nag reply din siya means, online din siya. Non verbatim: "Oo sa infinitea. Matangkad, mabango, nakakainlove. Cute sana pero mejo weird wala sa wisyo kausap haha"

Dun sa reply niyang yun pakiramdam ko ako yung pinaguusapan nila. (matangkad? 5'11 ako siguro. mabango? nag pabango ako bago nakipagmeet kaya baka ako nga. pero cute? ummm di ako sure. hahahaha)

"Sana ako nalang yung laptop ko huhu"

Confirmed na ako nga yung pinaguusapan nila. After nun nilog-out ko na yung Facebook niya then minessage ko agad siya na, "Naka-open pa yung mga account mo dito, nakalimutan mo yata ilog-out" Nag reply siya ng, "OMG!! May nabasa ka ba kuya??? Paki log-out po pleaseeee huhu 🤦🏻‍♀️😭" (copy pasted sa mismong chat niya)

Sabi ko, "Nilog-out ko na. Wala akong nabasa. Pero gusto ko lang malaman mo na wala ako sa wisyo nung nagmeet tayo dahil ang ganda mo. Yun lang."

At yun na yung start ng sobrang habang conversation namin that night na inabot na ng 3mn. Pero worth it dahil kahit puyat ako at ilang assignments din ang irarush kong gawin, pinayagan naman niya akong ligawan ko siya. Two months ko yata siyang niligawan nun, hatid-sundo sa bahay at school, dinadalaw sa bahay nila kapag weekends para ligawan pati parents niya, hanggang sa sinagot niya na ako at ngayon kami na. Nakakatawa dahil sa totoo lang nakokornihan ako sa mga lovestory posts, ironic pero nag coconfess na rin ako dito ngayon, korni ko. lol.

Love comes in a very unexpected time talaga.

Pero I'm thankful and happy dahil finally may laptop na ako at may girlfriend na rin after four years na pagiging bitter at single. Nakakasawa na rin kaya na palaging libro at calculator ang kaharap ko. 😂

Chua
2013
FIT
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now