Plastikada

660 14 0
                                    

PLASTIKADA

Sa sobrang pagmamahal ng mga kaibigan ko sakin, ginawan ako ng GC pero 'di ako kasali. Gusto niyo ba yun? 😂

Akala niyo di ko malalaman? Ang tanga tanga niyo talaga mga bes! Iniwan ng kaibigan niyong nakabukas ang FB niya sa Ipad ko. Hahahaha! Natatawa ako kapag binabasa ko yung mga lait niyo sa araw-araw kong ginagawa sa classroom ultimo make-up ko mga inggitera. "Akala niya ang ganda niya sa lipstick niya" sabi pa nung isa. Oo teh! Maganda ako sa lipstick ko 'di kagaya mo, kahit anong lipstick ang ilagay sayo mukha ka pa ring tikbalang!

Ang babait niyo sa harap ko, mga maaamong tyanak pero sa GC niyo grabe niyo ako iback-stab. Hahahaha! Pero siyempre kunwari walang alam si ako, ang sarap niyo kasing panoorin araw-araw na mababait kayo, ang chaka ng akting niyo, hindi kayo mananalo sa urian! Plastik kayo? Pwes, mas plastik ako. MAG-PLASTIKAN TAYO! 😜

Ginger
2013
IAS
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now