Naghihintay pa rin

980 19 1
                                    

Naghihintay pa rin

Alam mo?
Naghihintay pa rin ako.
Naghihintay pa rin akong baka sakaling maalala mo.
Naghihintay pa rin akong makatanggap ng tawag, chat, o text na mula sayo.
Naghihintay pa rin akong sabihin mo na, sana maging okay na ulit tayo.
Na sana, bumalik ulit ang lahat sa dati.
Na sana, ma-realize mo na mahalaga pala ako sa buhay mo.

Naghihintay akong sabihin mo na, ako pa rin. Na tayo pa rin. Na wala nang kayo. Na mas mahal mo ako.

Naghihintay pa rin ako. Kahit na...

Kahit na para bang wala na akong dapat hintayin, kasi masaya ka na.

Pero, nandito lang ako. Di ako susuko. Di ako titigil. Maghihintay pa rin ako sa bukas na maalala mong, nangako tayo sa isa't-isa.

Nangako tayo sa isa't-isa na kahit anong mangyari..

..tayo pa ring dalawang hanggang sa huli.

Pabz
2011
IAS
FEU Manila

FEU Secret FilesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt