Wattpad gone wrong

926 10 3
                                    

"Wattpad gone wrong"

Nangyari lang to kanina, fresh na fresh pa mga v3h. So ayun may ex ako. And *ehem ehem* mahal niya pa daw ako hanggang ngayon. Minsan lagi niya kung kinukulit, mapa personal man o chat. Kaya minsan nag a-act ako na boypren ko kuno yung nagrereply sa kanya para tigilan niya na ko. So eto, isang araw habang nasa hallway ako at papauwi na ng nakasalubong ko siya.

NV.
EX: Hi Dang (nickname ko)
Ako: *smile lang*
EX: Kain naman tayo dang, libre kita slightsmile emoticon
Ako: Ano ka ba?! May boypren na nga ko diba? Mag move on kana nga!
Ex: Boypren?! Asan ha? Asan?
Ako: Paparating na yun, sabay raw kami uuwi.
Ex: Sus, maniwala! Oh sige, samahan kita antayin yun jowa mo. Hindi ako aalis dito hangga't di siya dumarating ha.
Ako: *kingina*

So ayun, nag-antay kuno ako ng boypren ko. Si g*go, ayaw talaga mag paawat, nag-antay rin talaga. Eh di ko alam gagawin ko kasi wala naman talaga akong inaantay! Walang boypren eh! hahahaha So ayun nakaisip ako ng way. Yung mga nababasa natin sa wattpad na scene. So ito na, may nakita akong guy, gwapo bes, tsaka mukhang mabait naman so, eto na.

Ako: Oh ayan na pala siya eh.
*lumapit ako dun sa guy* Hi babe, tara uwi na tayo. *sabay kapit sa braso nya*
Ex: ...
Gwapo na Guy: *tulala sakin* Ha ? Sino ka?! *sabay wagwag nung braso niya para matanggal yung kamay ko* Kingina mo ! Wala kung pera !
Ako: *shookt na shookt*
EX: HAHAHAHAHAHAHA.

Tumakbo na ko palayo. Narinig kung tinatawag niya ko pero bahala siya. Sobrang nakakahiya. Tapos eto pa, nakasabay ko pa si Guy na gwapo/masungit naman pala sa traysikel. Di ko alam kung paano ko magtatago. Mukha kong tangang nakatalukbong ng bag sa mukha habang umaandar yung trak. Di ko na talaga yun uulitin. P*ta

PS: K*ng*na mo EX, mag move on ka na kasi !

AteMongSingle
Unknown

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now