Inner Demon

834 14 0
                                    

"Aminado ako na hindi maganda ang ugali ko. Pero kahit na ganun, nakokontrol ko pa ring mag-act nang maayos sa mga taong nakakaharap ko araw-araw. Demonyita inside, anghelita outside. Ganoin!

Tawagin niyo na akong plastikada or what pero atleast diba, hindi ako gumagawa ng eksena.

Hobby ko talaga yung murahin at laitin sa isip ko yung mga taong hindi ko talaga gusto lalo na yung mga eksenadora sa klase at mga babaeng makakati pa sa higad, pero naka-smile pa rin ako sa kanila.

Hangga't kaya kong kimkimin ang pagiging petty ko, kinikimkim ko. Pero once na pinrovoke ako? Ako yung taong hindi masasatisfied hangga't hindi umiiyak ang ka-warlahan ko. Seryoso.

Shinare ko 'to dahil alam kong marami kaming ganito. Akala niyo mabait pero once na pinrovoke, mashu-shookedth ka nang very hard.

Lesson? WAG MAMPROVOKE NG MABAIT, BAKA MASAMPAL KA NANG PADAKOT."

Petty Boop
2013
IAS
FEU Manila

FEU Secret Filesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن