Sinong Mas Tanga?

1.2K 13 3
                                    

Sino mas tanga, ako o ikaw?

"Limang taon na akong kasal sa taong pinili ko matapos ako lokohin ng 3 taon. Tatlong taon ko tiniis bawat pambabalewala mo, pam bababae at pag huthot mo saken ng pera. Hinyaan ko lahat ng yun dahil mahal kita. Mahal na mahal sa point na pumayag ako makipag open relationship, para lang wag ka mawala sa akin. Kahit na may kahati ako nun, sa isip ko at least kahit pano, sa akin ka.

Naiwan ka sa pinas ng bumalik ako sa London para magtrabaho uli at makuha ka. Nangako ka na hihintayin mo ako at pag balik ko dito, kasama na kita. Wala pang dalawang bwan nakipag break ka sa aken dahil may gusto ka ng iba. Sobrang sakit marinig,lahat ng plano natin nawala na lang bigla. Di ako makapg concentrate ng maayos sa trabaho ko, nanghingi ako ng leave kahit limang bwan pa lang ako sa trabaho nun. Umuwi ako sa pinas ng hindi mo alam, dumeretso ako sa inyo bitbit pa maleta ko. Nang makita mo ako tinitigan mo lang ako at sinabe, 'oh, bat andito ka?'. Naiyak ako sa harap ng pamilya mo kahit hiyang hiya ako, napahiya ako sa sinabe mo. ( At sa na sayang kong pera pambili ng ticket, tangina mo ang mahal mahal ng ticket!) Ng mag usap tayo, sinabe mo na sya and pinipili mo. Umiiyak akong umalis nun, sinabe ko sa sarili ko na tama na pag papaka tanga.

Ng bumalik ako sa trabaho nakilala ko ang magiging asawa ko. Mabait sya, masipag, magalang at higit sa lahat mahal na mahal ako . tipong prinsesa ang turing nya sa akin. Regalo dito, bulaklak sa office bawat bwan, designer bags, lahat ni isa dun wala ako hiningi sa kanya. Kusa nyang binigay yun dahil gusto nya ako mapasaya. Bago kame mg anniversary, nag pa alam ako na uuwi ng pinas. Pumayag sya, kahit alam nya kung sino ang pakay ko.

21st birthday mo nung pumunta ako sa bahay nyo sa Sampaloc, nandun mga tita mo kauuwi lang galing America. Nagulat sila dahil pumunta ako kahit alm nila na wala na tayo. Lumapit ka sa akin at niyakap mo ako ng mahigpit, sabe mo sa akin mali ang napili mo, at ako ang mahal mo. Tinanong mo kung pwede bang tayo na lang uli. Di ako pumayag, sinabe ko sayo na nandun ako para sabihin ikakasal na ako, at nagpaalam ako.

Mula nun di na tayo nag usap, sa fb, twitter o ig man wala talaga. Masaya ako sa piling ng naging asawa ko. Nagka roon kame ng 2 anak sa loob ng 3 taon. Pero bakit sa kabila ng maganda bahay, kotse, asawa na ma pagmamahal at mababait na anak, prang may kulang?. Isang gabe habang natutulog ang pamilya ko, naisip na naman kita. Nanaginipan kita 2 gabi bago ako gumawa ng dummy account and nkpg chat sayo. Nung una ayaw mo maniwala na ako yun. Ang saya ng pakiramdam ko ng makausap kita. Nasa America ka na din pala kasama mga tita at mama mo. Nagkamustahan tayo at pati ang nakalipas natin ay sabay natin binalikan. Rinig na rinig natin sa isa't isa ang pagsisisi na hindi tayo ang nagkatuluyan. Sinabe mo sa akin na mahal mo pa rin ako hanggang ngayon at sana na tayo na lang ulit.

3 bwan tayo ng usap and dahil sa sinabe mo na tanggapin mo ako at ng mga anak ko kung sakali mag hiwalay kame ng asawa ko . naniwala naman ako sa mga salita mo bugok. Tangina, nakipag hiwalay ako sa asawa ko, sinabe ko na ' si ****** pa rin ako mahal ko. I'm so sorry.'. Hinayaan nya ako, sabe nya na kung sa iyo ako tunay na sasaya, bibitawan kita.

Ng sinabe ko sayo na hiniwalayn ko ang asawa ko, di ka na nagparamdam, sabe mo na magagalit mama mo kung makikipag relasyon ka sa babaeng may pamilya na. Putangina mo talaga. Bigla ka na lng hindi ng reply. Hanggang salita ka lang. Limang taon na lumipas manloloko ka pa din. Ngayon alam ko nasa pinas ka, malamang ng papa ka fuccboi ka.. Ngayon, sino sa atin mas tanga? Ikaw na hindi makita na may nagmanahal sayo na willing bitawan ang lahat paraa sa iyo, o ako na kahit tinatarantado mo lang ako ikaw pa din ang mahal ko hanggang ngayon?"

_
2010
IABF
FEU Manila

P/s: No comment... HAHAHA. (^(I)^)

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now