Sorry..

874 12 0
                                    

SORRRRYYYY

I'm from UST po but my boyfriend is from FEU kaya dito po ako nakikipost para mabasa niya.

Sorry kung may pagkabaliw ako baby, sana mapatawad mo 'ko. Sorry sa mga nagawa ko. Malay ko ba na Baby ang pangalan ng classmate mo, akala ko kasi endearment niyo. :(

May nabasa kasi ako sa phone niya na, 'Baby anong assignment sa PolSci?' edi ako 'tong si malisyosa, nag beastmode. Binato ko yung Iphone niya sa pader. Nadurog. Tapos pinagsasampal ko pa yung boyfriend ko. Nakipagbreak ako.

Inexplain niya nun na Baby yung pangalan ng class mayor nila pero hindi ako naniwala. (eto napapala ko sa kanonood ng teleserye at kakabasa ng posts sa social media eh, nagkakaroon ako ng trust issues) so ayun tinaboy ko pa rin siya paalis.

After three days, nung medyo nag cool-down na yung emosyon ko naisipan kong ichat yung classmate niya na close ko. Kinonfirm niya na may Baby nga silang kaklase. Babylin Marie pero Baby ang nickname at tawag nila, yun daw yung class mayor nila na assigned sa pag-iinform ng assignment ng buong class sa PolSci. subject nila.

Tinatawagan ko yung boyfriend ko pero dinedecline mga calls ko. Tinext ko siya nang mala-talata pero ang reply lang na nareceive ko ay,

'Ok lang yung mga sampal eh, ok lang din na durugin mo phone ko, pero alam mo kung anong mas masakit? Yung malaman na wala kang tiwala sakin.'

Tinatadtad ko siya ng texts at chat mga 100 times per day pero siniseen lang ako.  Huhuhu. Miguel Roxas ng FEU, sorry na. pleaseee. Huhuhuhu. Di ko na uulitin, magbabago na 'ko, patawarin mo na ako.  :((((

Erika J.
2014
UST- Arts and Letters

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now