12 - Love

5.2K 108 4
                                    

Masayang nagkukwentuhan ang mga magulang ni Chris kasama si Chris at si Maxene sa isang hapunan. Kasama rin si Hades ngunit sasagot lang 'to sa tuwing tinatanong.

Kanina lang, inaya ni Chris si Maxene na ipunta siya rito sa bahay nila para sa isang hapunan na kung saan hindi naman aakalain ng nanay niya ang pagdala niya sa nobya niya. Tinotoo niya ang sinabi niya, na ipapakilala niya nang pormal si Maxene sa harap ng mga magulang niya bilang nobya niya.

Noong una, natatawa ulit ang ama't ina niya pero noong si Maxene na ang umamin, naniwala sila. At si Maxene naman ang grabe ang tawa dahil sa pagkakaalam niyang hindi paniwalaan ng mag-asawa ang sarili nilang anak.

Kung kaninang umaga, si Chris ang kinakabahan dahil sa pagpunta niya sa bahay ng minamahal niya, ngayon naman ay parang lumipat kay Maxene ay siya naman itong hindi mapakali.

Hindi lang sa kabang nararamdaman niya sa mga magulang ni Chris kundi kay Hades. Kinakabahan siya sa kaisipang baka may masabi si Hades o kahit ano pang detalye na noon ay namagitan sa kanila.

Kung ang lahat at nagsasaya, si Hades naman, wala sa emosyong masaya sa dalawang kanina pa naghaharutan sa harapan niya rito sa hapag kainan.

"Kumusta naman 'yong school, Hades? Okay ka ba doon?" Tanong ni Arthur at napaangat ng tingin ang binata.

"Ayos lang po, Tito. Nag-aadjust pa rin." Sagot nito at saglit na bumaling ng tingin sa katapat niya, si Maxene. Saglit lang dahil kung matagal niya pa itong tignan, baka mahuli ni Chris at sitahin pa.

"Basketball player na agad, Pa!" Sabi naman ni Chris pagkatapos niyang lunukin ang kayang nginunguya.

"Aba! Mabuti kung ganoon." Sagot naman ng ina ni Chris na si Ruth.

"Pero ito na talaga ang dapat pag-usapan. Maxene, alam mo bang akala ko ay nagbibiro ang Papa mo na kayo na ni Chris kanina sa meeting? Hindi talaga ako nakapaniwala. Akala ko nga kaninang umaga, isa na naman sa mga panaginip ni Chris." Sabi ng padre de pamilya at natawa ang lahat.

Maliban kay Hades.

"Pa, Ma, wala na talagang panaginip sa panahon ngayon. Kami na talaga." Sabi ni Chris at tinaas pa ang magkahawak-kamay nila ng nobya niya para ipakita.

Napangiti si Maxene at ganoon din si Chris at ang mga mgulang niya, at sunod ay nagkatinginan ang magkasintahan at kung hindi lang siguro nakatingin ang tatay at nanay ni Chris sa kanila ay ninakawan niya na ng halik si Maxene sa labi.

"Masaya kami para sa inyo. Anak, ito na 'yong pangarap mong matagal mo nang pinapanaginipan." Sabi ng ina at natawa uli sila.

"Ma naman! Baka kung ano ang isipin ng girlfriend ko."

"Wow naman talaga 'tong anak mo, Arthur." Sabi pa ni Ruth.

"Hija, tinatanong ng Papa mo kung kailan ang kasal." Saad pa ni Arthur at namula si Max sa hiya.

"Tito.." Nahihiyang sambit ni Max.

"Papa na lang. Mamanugangin din naman kita. 'Di ba, Chris?"

"PA!" Suway pa ni Chris na nahihiya na rin sa mga pinagsasasabi ng magulang niya. At alam niya aasarin siya ng pinsan niya si Hades sa mga nalaman.

Aasarin nga ba? O nag-aapoy sa galit?

Nagpatuloy lang sila sa tawanan at kwentuhan. Hanggang sa matapos na sila.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now