28 - Unwell

3.1K 55 7
                                    

Chris

"Chris! May tumatawag sa'yo!" Sigaw ni Pat na nasa court side.

Pinasa ko na muna sa isang teammate ko ang bola na hawak ko para magpunta kay Pat na hawak ang phone ko at iniaabot sa akin.

"Ihagis ko na ba?"

"Gago. Sino ba 'yan?" Tanong ko nang makalapit na ako.

Tinignan niya muna kung sino at nanlaki ang mga mata niyang binigay na sa akin. "Shet! Nanay pala ng ex mo." Sagot niya.

Si Tita Alicia.. Bigla akong na-tense. Alam na kaya nila ni Tito 'yong mga nangyari? Pero saglit lang, nakauwi na kaya sila dito sa bansa?

"Hoy, wala ka bang balak sagutin 'yan?" Tanong naman sa akin ni Kean na ngayon ay nandito na rin sa court side. "Sino ba 'yan? Bagong chix?"

"Ex future mother in law." Sagot ng unggoy na si Patrick. Kailan ba ako titigilan nito?

"Oh!" Biglang umaliwalas ang pagmumukha niyang pangit. "Sagutin mo! May importanteng sasabihin si Tita oh! Baka naman, babalikan ka na ni Max!"

Babalikan? Edi siya sana ang tumatawag sa akin ngayon.

Sige pa, Chris. Libre umasa, pero unlimited ang sakit.

Nagpaalam muna ako sa dalawa at sa mga iba pang kagrupo ko na nandito rin sa court para lumayo at sinagot ko na ang tawag ni Tita.

"H-Hello po, Tita?" Bati ko. Oo, nauutal ako.

"Hello, anak. Kumusta na?" Sagot ni Tita Alicia sa kabilang linya.

Kumusta na ba ako? Ito, okay lang naman, tina-try maging okay. Nagpapanggap sa mga mata ng lahat, kahit sobrang halata na hindi talaga.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. "Ayos lang naman po. Kayo po? Kailan po ang uwi niyo?" Tanong ko sa pag-aakala kong nasa ibang bansa pa sila.

"Ayun na nga eh. Next week na sana kaso nagkaroon ng problema ang Tito Robert mo with his investors kaya next next week pa. Siguro." Ramdam ko ang lungkot ni Tita at ganoon din ako.

So nasa Singapore pa nga sila. Tagal na rin. Mga isang buwan na ata. At mga ilang linggo na rin matapos naming mag-break.

Puta, naisingit talaga.

"Kaya mas mami-miss ko 'yong baby ko. Chris, bantayan mo siya ah."

Hindi pa nga nila alam. Bakit hindi pa nasabi ni Max sa pamilya niya na wala na kami?

"Kumusta naman ang princess natin, Chris? Hindi naman makulit?" Natatawang tanong ni Tita. "Noong last na nakausap ko siya, kagabi, parang ang lungkot niya. Siguro, nagtatampo talaga sa akin."

Lungkot? Nalulungkot? Baka nga, nagpapa-party na 'yon dahil nawasak niya ako. Baka nga halos magtatatalon-talon na 'yon sa tuwa dahil nagbalikan na sila nong ex niya. Haha. LOL.

Sa tuwing nagkakasalubong kami, parang hindi niya ako kilala. Parang hindi niya ako naging boyfriend. Parang hindi siya naging masaya noong kasama ako. Hindi naman talaga. Ganoon na lang ba 'yon? Matapos ng lahat ng pinagsamahan at nangyari sa amin, itinapon niya na lang na parang bulok na basura? Ganoon ba? 'Yung mga nangyari sa amin, oo, 'yong sex, wala lang sa kanya? Na hindi niya lang inisip na big deal sa akin 'yon, na simbolo 'yon ng pagmamahalan namin. Pati 'yong mga pangako namin at pinagsaluhan naming mga pangarap namin, nilaro niya lang.

Dahil Ikawजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें