50 - Enchanted

3.9K 81 18
                                    

Maxene

Pareho kaming nakasuot ng mask at jacket ni Chris. Naka-hoody jacket kami pero may cap pa ring siyang suot. Wala kaming dalang gamit ni Chris, hindi naman kami magtatanan! Haha! Phone lang at wallet ang dala namin.

At sinabi sa akin ni Chris na huwag akong mag-alala kay Lennon dahil si Tita Ruth na 'yong bahala at gagawa ng excuses, baka sakali na magtanong ang anak ko o kung sinoman.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya.

Binaba niya ang mask niya. "Pang-ilang beses mo na 'yan natanong, Love?"

Sunod-sunod na 'yong pagtawag niya sa akin ng mga endearment na 'yan! Gusto ko rin namang itawag sa kanya kaso nahihiya ako, naninibago kasi ako sa kanya.

Dito sa likod kami dumaan at para kaming pusang magkahawak ng kamay na dahan-dahang tinutungo ang main gate para walang makakita sa amin. Or kung may makakita man sa amin, sigurado naman akong hindi nila kami makikilala dahil sa suot namin.

At sa wakas, nakatakas na kami! Inakbayan niya ako at hinalikan sa noo. Pero napatigil kami nang may tricycle sa harapan namin, mukhang nag-aabang.

Patay, pinsan ata ito ni Chris. Mukhang mahuhuli na kami. Or nahuli na.

Nagkatinginan kami ni Chris, gulat siya na parang nanghihinayang dahil mukhang hindi na matutuloy ang lakad namin. Ayun 'yong akala ko pero nagtaka ako nang ngumiti ulit siya. That smile.

"Si Kean 'yan. Ihahatid niya tayo." Sabi niya at napatingin ako sa driver.

Ah, si Kean nga! Naka-mask din si Kean. Pfft.

"Lovers, ano? Tara na! Hay nako, para mabalikan ko na 'yong mga babes ko roon sa loob." Sabi niya at pareho kaming natawa ni Chris.

Sa byahe, kinuwento sa akin ni Chris na humingi siya ng favor kay Kean na ipag-drive kami at natawa ako nang hindi tumanggi si Kean dahil sa binigay na Christmas gift niya. Binigyan niya si Kean ng Air Jordan na sapatos. Hay, boys.

At si Kean, ito, daldal din nang daldal. Nakikipag-usap sa amin habang nagda-drive pero sinigawan siya ni Chris na manahimik at baka masagasaan kami. LOL.

Nakaakbay lang si Chris sa akin hanggang sa makarating na kami. Alam niyo 'yong akbay na akala mo naman kung babasagin ako dahil napaka-gentle ng paghawak niya sa akin at para akong mawawala sa kanya.

"Oh, wala nang pamasahe." Sabi ni Chris kay Kean nang makababa na kami. "Text na lang kita kapag susunduin mo na kami."

"No problem, dude. Merry Christmas sa inyo. More babies to come."

"Gago! Umalis ka na nga, mag-ingat ka!"

"Sige, babye! Enjoy! Dapat pagbalik ko dito, Ninong na ako."

"Tangina ka."

Isa rin sa napansin ko, 'yong pagmumura ni Chris. Hindi naman sa masama, eh ako nga, nagmumura rin. Pero kapag nagmumura ako, more on dahil sa inis ko lang at sa isip ko lang nasasabi, kay Chris kasi, malulutong. Noon naman, hindi siya masyadong palamura. Yeah, wala namang problema sa akin, napansin ko lang.

Pero mas gusto ko na bawasan niya 'yong pagmumura niya. Ayoko naman na.. na marinig ng mga anak namin na nagmumura siya. Kung sakali lang!

Para namang nag-a-assume ako sa sinabi ni Kean. Babies? Jusko.

Kumaway na kami ni Chris kay Kean, ay, ako lang pala ang kumaway. Pagkatapos ay lumibot na ang paningin ko, puro Christmas lights at may ingay na nanggagaling sa likod ng malaking gate. Nandito pa kasi kami sa labas, what I mean is feeling ko ay papasok kami rito sa malaking gate at hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Hindi ko naman maaninag dahil sa mga nag-iilaw lights ng barrier nito. I tollay don't know.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now