35 - Encounter

2.9K 65 13
                                    

Maxene

"Nanggigigil talaga ako." Nanggigigil talagang sabi ni Chiara matapos kong ikwento lahat sa kanya.

Lahat. Mula ugat at hanggang dulo ng lahat.

Napabuga ako ng hangin at napangiti nang tipid. "Wala na, nangyari na." Sabi ko at agad siyang lumapit sa akin at niyakap.

"Sorry, Maxie. Sorry dahil wala ako sa tabi mo noong naramdaman mo ang mga 'yan. I didn't know."

Paano niya ba malalaman? Wala naman akong pinagsabihan noon eh. At nahihiya ako, nandidiri sa sarili. At sa tuwing binabalikan ko, may mga instances na nawawala ako sa sarili. At madalas, lalo na kapag nagkakaroon ako ng nightmares. Mga panagainip pero totoong nangyari.

At may isang pagkakataon na sa tuwing nakakaroon ako ng nightmare, kinasusuklaman ko si Lennon kinaumagahan. Naaawa ako sa bata kasi nadadamay siya.

"Ang gago niya, ang gago gago niya. I want to slap him." Sabi pa niya at may tumulong luha sa mata ko kaya agad ko 'yon pinunasan.

Masakit pa rin. Pero mas masakit 'yong mga nagawa ko sa kanya.

Bumitaw siya at humarap sa akin. "Dapat makulong si Hades. Hindi sapat ang ma-rehab lang siya because he is a drug addict, buhayin natin ang kaso, ipakulong natin siya." Sabi niya habang hinahawakan ang dalawang kamay ko at parang pinipilit ako.

Hindi ako makasagot. Ano ang isasagot ko? Ayoko na ng gulo, at masyado nang matagal para balikan ang mga nangyari. At ayoko na.

Umiling ako. "Huwag na."

"Max, ginahasa ka niya!" Mahina ngunit pasigaw na sabi niya at umiyak na siya.

Umiling ako at napaiyak na rin. Napatingin ako kay Lennon na mahimbing nang natutulog at napatingin ulit sa kanya. Napansin niya iyon, at alam kong nakuha niya ang gusto kong sabihin.

"It's been 6 years, Chiara." Sabi ko at tuluyan na ulit umiyak. "At si Lennon.. Ang alam ng anak ko, maayos kami ni Hades. Ang alam niya, nagtatrabaho lang si Hades dito sa Manila. Wala siyang alam maliban doon." Sabi ko pa.

At ang alam ni Lennon, okay kami ng tatay niya. Na sa tuwing tinatanong niya ako, pilit ko siyang iniiwasan. Gusto kong sabihin sa anak ko ang lahat pero masyado pa siyang bata para maintindihan. At ayoko siyang saktan dahil sa tuwing binabanggit niya si Hades, kita ko ang saya at sabik niya. I don't want to ruin his dream na makita si Hades, someday. Pero hindi maaalis ang takot ko na baka pagkagising ko, kunin niya ang anak ko mula sa akin at ilayo. Mababaliw ako kapag nangyari 'yon.

Ngayon, paano ko aaminin ang lahat? Na drug addict ang tatay niya at nakakulong, at sangkot sa pagpatay sa batchmate namin noon. At natatakot ako na baka mag-iba ang tingin sa akin ng anak ko kapag sinabi kong hindi ko talaga mahal ang tatay niya.

"Then, let him know about it." Sabi ni Chiara.

"I don't want to break my son's heart."

"So hihintayin mo pa si Hades na makalaya?"

Napatigil ako sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Narinig ko ang kapatid mo, may kausap and I know, si Jayden 'yon. Narinig ko ang pangalan ni Hades na binanggit ng Kuya mo at mukhang may balita na makakalaya na si Hades."

Nangilabot ako. Ito na 'yong kinatatakutan ko. "W-what?"

"Siguro, nakausap na nila 'yong private investigator na nagbibigay ng update-- Ah, shit."

Dahil IkawWhere stories live. Discover now