21 - Pieces

2.9K 46 10
                                    

SPG: KARAHASAN AT DROGA

Nagising si Max nang maramdaman niya ang malaking espasyo sa hinihigaan niya, nang hindi niya maramdaman ang nobyo niya sa kanyang tabi.

Iginala ni Max ang paningin niya at napunta sa orasan na nakasabit sa dingding. "2:25 pm." Bulong niya sa sarili at muling napapikit.

Dalawang oras na rin ang nakalipas matapos nagtanghalian ang magbabarkada at mapagpasyahan ng dalawa na matulog at magpahinga. At kaninang umaga lang ay galing sila sa La Trinidad, kung saan tampok doon ang strawberry farm na ikinasaya ni Max nang sobra. Plano ni Chris..

Inakala ng dalaga na nasa banyo si Chris pero lumipas ang ilan pang mga minuto ay walang lumabas. Tumayo na si Max at kumatok sa pinto ng banyo.

"Chris?" Tawag niya at bang walang sumagot, binuksan niya at walang Chris na bumungad sa kanya.

"Saan naman nagpunta ang lalaking 'yon?" Tanong niya sa sarili habang nagsusuot ng jacket upang kontrahin ang lamig sa kanyang paglabas.

Kinuha niya ang phone niyang nasa mesa na tabi ng kama at tinignan kung may text si Chris, pero wala.

"Oh, hija. Gising ka na pala." Pagsalubong ng matandang katulong kay Max sa hagdan.

"Opo, Lola." Magalang na sagot ni Maxene. "Ahm, Lola? Si Chris po ba nasaan?" Tanong nito.

"Hindi nakapagpaalam sa'yo, hija?" Umiling si Max. "Nagpunta siya sa bayan kasama ang mga kaibigan ninyo pang lalaki. At ang dalawang dalaga naman, nasa kanina pa nasa parke na malapit lang dito sa rest house. Siguro pauwi na 'yong mga kaibigan mong mga babae."

"Ganoon po ba?" Tanging sabi na lamang ni Max at bakas ang kalungkutan at pagtatampo sa tono.

"Anak, huwag ka na malungkot. Paparating na rin ang mga 'yon. Oh sya, gusto mo ba ng meryenda? Ipaghahanda kita."

Habang kumakain si Maxene ng tinapay na pinalamanan ng strawberry jam, hindi naman siya matahimik sa katitingin ng telepono na na nagbabasakaling tumawag sa kanya ang nobyo niya o kahit isa man lang sa mga kaibigan niya. At kung sakaling tumawag man ang mg ito sa kanya, mukhang gusto niyang iparamdam ang tampo niya. Pero naisip ni Max na mukhang nagsasaya ang lahat dahil wala ni isang text ang dumating sa kanya.

"Maxene, hija, magpupunta lang kami ni Mila sa bayan para mamalengke. Maiiwan muna namin kayo rito. Huwag kang mag-alala, may kasama ka tsaka may isa pa tayong kasama sa labas, doon sa hardin. Si Romy, hardinero natin. Mabait 'yon." Sabi pa ni Lucy at napansin ng matanda ang kalungkutan ng dalaga.

Kahit ngumiti at sumagot si Maxene, bakas pa rin ang lungkot.

"Anak, huwag na malungkot. Darating na rin sila. Oh sya, hindi na muna kami aalis kung ganoon. Sasamahan ka na muna namin ni Mila hanggang sa dumating na ang mga kaibigan mo."

"Nako po! Huwag na po. Okay lang po ako, Lola. Salamat po sa concern." Sagot ni Max matapos uminom ng tubig. "OA lang oo ako, Lola. Haha!

"Sigurado ka?" Tanong pa ng matanda.

"Opo." Sagot ni Max.

"Kung ganoon, aalis na muna kami, hija."

Dahil IkawWhere stories live. Discover now