46 - Homecoming

3.3K 79 14
                                    

Chris

"Shet! Pangasinan na pala tayo! Orayt!" Maingay na sabi ni Pat nang makita niya ang karatulang pagsalubong ng probinsya sa aming byahe.

"Mga pare, okay ba 'tong itsura ko? Pakitignan naman oh. Baka kasi, may mga magagandang chix doon na sasalubong sa atin. Alam niyo, pogi eh." Saad naman ng isa pang madaldal.

Lihim lang akong napangiti at ewan ko kung bakit. Siguro, nae-excite din ako makita 'yong mga kadugo ko, tagal na rin ng huli kong punta rito eh. 'Yung huli kong punta rito, noong dinala ko si Maxene, pagkatapos non, hindi na rin naulit, sina Papa na lang, naging busy na rin ako sa pag-aaral at pagbabanda.

Speaking of Papa, bukas pa ang dating niya rito kasama si Mama. Alam niyo na, busy sa trabaho ngayon, lalo na't naghahabol bago mag-Christmas break.

"Makikita ko na si Baby ko! Kumusta na kaya siya?" Pat.

"Maka-kumusta ka riyan, giep mo?"

"Future wife."

"Baka sakmalin ka ng future boyfriend ulit kung mangyari 'yon."

"Loko lang, loyal ako kay Chiara. At ayoko nga, 'no. Baka hindi na tumagal ang buhay ko."

Sige lang, Kean. Ipaglantaran mo pa. Tangina talaga nito, porke't may idea na, grabe mang-alaska.

Sinama ko 'tong dalawang alaga ko, gusto rin naman nila. So bale magiging trip namin ito sa binigay ng mga boss namin na 2 weeks na pahinga mula sa trabaho, pero kumusta naman kami kapag January? Concert na namin 'yon! Feeling ko nga, wala pang bumibili ng ticket namin eh. Haha. Joke lang, sold out na nga eh, sabi sa amin ni Tito Denzel. Astig, pero nakakakaba talaga.

Sina Jayden at Andres, inimbitahan ko rin sila pero naintindihan ko naman ang pagtanggi nila dahil mat kanya-kanyang trip sila kasama ang pamilya nila ngayong Pasko.

Muli akong napatingin sa phone ko at natawa sa text niya sa akin. Ano ba ang trip nito? Pagkatapos niyang makipagpalitan ng text kay Patrick, ako naman ang sinunod niya. Diyan na siya kay Patrick kamo. TSS.

"Tangina mo naman, pre. Hindi ganyan ang reply sa mga chikababes na sexy at maganda." Gulat kong pinatay ang phone ko nang magsalita si Kean na nasa likod ko.

"Tantanan mo 'ko."

"Ganyan ka ba duma-moves? Weak! Anong reply 'yon? Inaasar mo yata eh! Reply-an mo nang sweet at malambing. Kunwari, 'Hi, Baby ko. Nami-miss na rin kita. I miss your hugs, kisses, at 'yong mga gabing pinapainit mo ang aking--"

Agad kong pinukpok sa ulo nuya ang mineral bottle ko na wala nang laman.

"Aray naman, Chris! Ayan ka na naman eh! Lagi na lang natin nagiging eksena ang ganito! Hindi mo pinapatapos kasi akala mo, green! Magbago ka na!"

Sasakit lang ang ulo ko lalo kapag pinatulan ko pa ang malibog na 'to. Jusko, Kean! Ikaw talaga ang Kean na high school friend kong ang daming alam sa ano!

Dahil IkawWhere stories live. Discover now