32 - I

3.1K 58 12
                                    

Chris

"Ay.. 'Wag namang alisin ang nag-iisang panaginip..

Na ika'y magbabalik..

Nagsasamang masaya at walang pagkukulang..

At ngayong wala ka na..

Hindi alam kung saan magsisimula..

Ang ngayon, bukas, kailanma'y nag-iba..

Wala bang bukas? ~~"

Kita ko ang pagpalakpak ng manager namin na si Kuya Caesar mula rito sa labas nitong silid na kinalalagyan namin, kasama si Tito Denzel at ilang pang mga managers, dito sa building ng Star Music, ang sikat na musical management ng bansa.

Hindi lang basta tulad naming singers ang napupunta rito sa klaseng management na 'to, kundi mga beteranong mang-aawit at mga bokalistang artista. Malaking kumpanyang 'to, at malaking karangalan 'to para sa amin na nag-uumpisa pa lang na makatungtong dito.

Nagre-record kami, ito lang 'yong kantang nagawa ko noong nakaraang linggo. At ngayon, inaawit na namin at nagawahan na rin ng tono sa mga instrumento na responsibilidad naman ng apat na kasama ko.

"Ay, bahala na ang tanging narinig..

Wala ka bang ibang masabi..

Huwag ka nang mag-alala..

Iniintindi ko ang lungkot na ginawa mo.. ~~

Inintindi ko pa rin talaga. Nakakatawa para sa tangang tulad ko.

"At ngayong wala ka na..

Hindi alam kung saan magsisimula..

Ang ngayon, bukas, kailanman nag-iba..

Wala bang bukas? ~~"

Bukas? May bukas pa naman eh, ang kaso lang, ibang chapter na ng buhay 'yon. Ibang pangyayari na ang mangyayari, hindi na tulad ng dati.

"At ngayong wala ka na..

Hindi alam kung saan magsisimula..

Ang ngayon, bukas, kailanman nag-iba..

At ngayong wala ka na..

Hindi alam kung saan magsisimula..

Ang ngayon, bukas, kailanman nag-iba..

Wala bang bukas? ~~"

Mula sa lyrics ng kanta, napatingin ako sa mga kasama kong enjoy na enjoy sa pagtugtog ng mga instrumento.

"Paulit-ulit mananatili..

Pag-gising ko'y wala pa rin..

Hindi maamin..

Ilang dalanging..

Wala na..

Wala ka..

Wala na..

At ngayong wala ka na..

Hindi alam kung saan magsisimula..

Dahil IkawWhere stories live. Discover now