39 - The Comeback

3.4K 85 13
                                    

Tatlong araw na matapos nang mabulabog ang lahat sa pagpunta ni Maxene dito sa condominium nina Chris. Naging mabuti naman, naging maayos naman ang pakikisama ni Chris sa dati niyang kasintahan. Ulit.

Pero hindi tulad ng dati, hindi ganoon sa dati. Dahil ngayon, parang bagong kaibigan ang turing ni Chris kay Maxene, at ang pakikitungo ni Chris ay parang pilit lang at pagpapakita lang ng respeto. Hindi tulad noon na parang nawawala si Chris sa pag-iisip kung kasama si Maxene, nababaliw, kinikilig at reyna ang turing niya sa kanya.

Ibang-iba na ngayon at naninibago si Maxene sa tuwing nakakasalubong ang binata sa condo at lalo na kapag naiiwan silang dalawa sa parte ng bahay na planado ng mga kasamahan, nakararamdam sila ng ilangan.

Ano ba naman ang aasahan ni Maxene pagkatapos ng mga nagawa niya kay Chris?

At 'yong tungkol naman sa paglaya ni Hades, kahit papaano, nawala ang pangamba ni Max tungkol doon.

Pero ang ikinakasaya niya ngayon, ang samahan ni Chris at ng anak niya, ang pagiging malapit na namamagitan sa dalawa. Sa natanaw ni Max noong nakaraang araw, tinuturuan ni Chris ang anak niya kung paano ayusin sa bawat parte ang electric fan na kanilang nabili upang magamit nila. Hindi naman si Chris ang nagyaya sa bata, kundi mismong bata ang naging interesado roon at walang nagawa si Chris kundi turuan ito.

Bilang ina, natutuwa si Maxene. Pero ang ikinakabahala niya ngayon ay ang hindi pa niya nasasabi kay Lennon na Tito niya ang tinatawag niyang Kuya Chris.

Ramdam ni Chris na hindi pa nga sinasabi ni Max ang tungkol doon, dahil kung sinabi na nito sa bata, alam niyang uungkatin ng bata ang tungkol sa ama niyang si Hades at hindi na pa siyang tatawaging Kuya. Wala namang problema ang pagtawag ni Lennon sa kanya ng Kuya pero ang naiisip niya, pati sa bata ay nagsisinungaling si Maxene, nagsesekreto pa rin, hanggang ngayon.

Ayaw niya na pang ulitin muli kay Max ang nasabi niya. 'Yung tungkol sa magpinsan sila ni Hades na dapat ang sabihin niya sa bata.

"Kung ayaw niya, edi hiwag."

Ngayon, kasalukuyang nasa Araneta ang magbabarkadang sina Kean, Pat, Jayden, Andres at Chris upang mag-rehearse para sa kanilang nalalapit na concert.

At bukod sa kanilang concert, unti-unti na namang nagiging hectic ang kanilang schedule para sa guesting at promotion na napagplanuhan ng management na humahawak sa kanilang banda.

"Hoy, lalim na naman ng iniisip mo ah." Pagsulpot ni Patrick sa kaibigang si Chris na nakaupo sa upuan na nasa harapan ng stage nitong napakalaking lugar.

Napatingin saglit si Chris sa kaibigan at umiwas din agad. "Iniisip ko lang kung paano ka mawala sa paningin ko." Sabi nito.

"Wow! Ang sakit naman non, loding Chris!" Pag-arte ni Pat. "Pero, pre, excited na ako next week, kasi makakasama na natin 'yong mga special guests natin. Grabe, next, next month na talaga."

"Kaya ikaw, pagbutihin mo 'yang pagda-drums mo." Sabi ni Chris.

Dalawa lang naman ang iniisip ni Chris. Una, gaya ng naiisip ng kaibigan niyang si Patrick, itong concert nila. Dahil palapit na ito nang palapit, kapaguran naman sa rehearsals ang kapalit pero kinakaya. Apat na beses silang nagre-rehearse sa isang linggo, buong araw at ang mga natitirang araw ay nakalaan para sa mga meetings at guestings.

Ngunit napagpasyahan naman ng management na hindi na mangyayari ang ganitong setup sa kanilang schedule dahil sa katunayan, bibigyan sila ng mga ilang araw na pahinga bago ulit sumalang sa pagtatrabaho. Pumayag ang banda at ang mga managers nito, at nagustuhan naman nila iyon.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now