34 - Good Night

3.3K 68 9
                                    

Chris

Ilang araw na ang nakalipas, pero nasa isip ko pa rin siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na nga siya, nagbalik na. Hindi na panaginip, hindi na isang guni-guni. Totoo na talaga, at sana hindi na lang pala.

Pinakiramdaman ko 'tong mga kasama ko, at ayon sa conclusion ko, wala pa nga yata silang alam tungkol sa pagbalik niya. Siguro, hindi pa nila alam o baka naman, ayaw niya ipaalam na nandito na siya. Gusto ko silang tanungin at usisain pero huwag na. Wala naman akong pake.

Eh, paano naman si Kuya Kevin? Alam niya kaya?

Tanga, malamang. Kapatid niya.

Pero ba't wala siyang sinasabi sa akin?

"Tangina mo, Chris." Mura ko sa sarili ko at napatawa nang peke. Napaupo ako mula sa pagkakahiga rito sa couch at napabuntong-hininga.

Hindi talaga ako makatulog. Anong oras na? Pasado ala una na, at may maagang guesting pa kami bukas, pero heto pa rin ako at hindi madalaw-dalaw ng antok. Daig ko pa yata ang nag-kopiko 78 degrees sa sobrang gising, at daig ko pa ang taong naka-high. LOL.

Napahawak ako sa sentido ko at kinuha ang phone ko sa tabi ng lampshade. Agad siyang sinearch sa social media.

Pero nagsayang lang ako ng oras dahil wala, ganoon pa rin. Walang bagong post.

"Stalk pa more." Ngisi ko sa sarili ko at padabog na binalik ito sa mesa.

Anong buhay 'to?

Humiga na ulit ako. "Ba't ka pa ba nagbalik?" Tanong ko habang nakatulala sa kisame.

Bakit pa ba? Manggugulo na naman siya. Oo, inaamin kong problema ko na 'yong pagbabalik niya dahil hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang..

Kinasusuklaman ko siya.

Napangiti ako nang peke at muling napaupo. Kinuha ko 'yong pad paper ko na nasa ibabaw rin ng mesa at muling nagsulat.. Ng kanta.

Sa pagsusulat ng mga kanta, doon ko na lang naipapahayag ang sarili ko. Nailalabas ang galit. At ang kantang ito, ay tungkol sa dalawang tao.

"Take me as you are..

Push me off the road..

The sadness, I need this time to be with you..

I'm freezing in the sun..

I'm burning in the rain..

The silence, I'm screaming calling out your name.. ~~"

Dalawang taong hindi pinalad para sa isa't isa..

"And I do reside in your heat..

Put out the fire with me and find..

Yeah, you'll lose the side of your circles..

That's what I'll do if we say goodbye.. ~~"

Napailing ako kasabay ng pagngiti ko.

"To be is all I gotta be..

And all that I see..

And all that I need this time..

To me the life you gave me..

The day you said goodnight.. ~~"

Dahil IkawWhere stories live. Discover now